Start nanaman ng pasukan sana bakasyon na lang ulit mas masaya pa yun kesa sa school. Di naman ako tamad or what hilig ko nga na mag aral. Ok sana kung sa ibang school ako papasok e pero hindi balik ako dito sa school kung saan nag aaral din yung ex ko. Tsk. Wala pa man din si Maxi kahit kelan talaga yun antamad tamad.
Paakyat na ko papunta sa room ko buti na lang may pocket wifi na ko di na ko gaano mabobored. Pagkadating ko sa room pumwesto na ko sa harapan ayoko kasi sa dulo wala ko naiintindihan pag dun nakaupo. 20 mins pa naman bago magstart yung first subj ko makapagfb nga muna baka online si Kyd. Tinignan ko lahat ng nasa chatbox ko pero di siya online. Buti na lang online si Maxi pero magmessage na din ako kay Kyd.
To: Kyd Stanley Rafiq
Hello Kyd :) how are you?
After ko magmessage kay Kyd chinat ko na si Maxi. Pinipilit ko lang naman siya pumasok lahat ng pangongonsensya ginawa ko na. Knowing her di niya ko matitiis hahaha kaso mamaya pa daw siya papasok sa third class namin tsk di bale ilan oras lang naman. Di ko namalayan na madami dami na pa lang tao da room. May mga nakaupo na din sa vacant seat sa tabi ko. Syempre may upuan na si Maxi nagsave na ko ng para sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko na parang puro lalaki mga katabi namin tapos parang nakatitig sakin pero imagination ko lang siguro yun. Wag naman sana magugulo mga to para makapagconcentrate ako sa class. Nung marinig ko yung bell inayos ko na yung gamit ko. Napatingin naman ako sa mga katabi ko at talagang nanlaki yung mata ko nung nakita kong nakatingin sila sakin at pamilyar mga mukha nila.
"Hey there, nagkita na ba tayo before? Ikaw ba yung soulmate ko?" sabi nung guy na nakared sabay kindat sakin. Buti di nila ko natatandaan. Di ko na lang papansinin para di nila ko guluhin.
"Bro napakamakakalimutin mo naman uminom ka ba ng gamot mo? Di ba sabi ko sayo wag na wag mo kakalimutan yun tumatanda ka na. Tignan mo oh andami mo ng kulubot" sabi naman nung isa na kamukhang kamukha niya. Binatukan naman siya nung nakared at nagtawanan pa yung dalawa. Oh my gee magiging classmates ko sila? Oh no sana namali lang sila ng napasukan.
" We're on the right room miss" sabi nung guy at di pa din inaalis yung tingin dun sa gadget niya. Napatingin naman ako bigla sakanya paano niya nalaman iniisip ko? Nababasa niya ba mga sinasabi ko?
" Anlakas kaya ng boses mo Audio" natatawang sagot nung kambal
"Hoy it's Audi not Audio" sabi ko sabay irap sakanila. Tumingin na lang ako sa kabilang side para di ko na sila mapansin. Ang malas ko naman bakit naging classmate ko pa mga yon akala ko pa naman last na yung pagkikita namin sa mall. Haays. Teka...kung nandito yung tatlo ibig sabihin---.....Dahan dahan akong lumingon sa kanila at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nung makita kong nakatitig sakin yung kambal at sobrang lapit ng pagmumukha nila sa mukha ko.
" Ano ba lumayo nga kayo.. shooo" itinulak ko sila at tumingin na lang ulit sa labas. Wag naman sana kami magtagpo nung Reindeer na yun.
"Hahahahahahahahahahaha. May hinahanap ka ba?" grabe lang sila makatawa parang wala ng bukas. Nagpretend na lang ako na walang narining at pinagpatuloy ko na lang pangangalikot sa tab ko. Napansin ko na parang may nakikitsismis sa ginagawa ko pagkaangat ko ng ulo ko nakita ko nanaman yung kambal na nakikiusyoso sa ginagawa ko. Aba't talaga nga naman kalalaking tao mga tsismoso tsk. Napangiti ako bigla nung may naisip ako na evil plan.
"Ano na tuluyan ko na ba 'tong katabi ko? O kayo na bahala mamaya? Abangan niyo na lang after class" clinick ko yung send para magmukhang makatotohanan. Ayon sa peripheral vision ko biglang lumayo yung kambal at nagkunwaring busy sa pag uusap. Saktong pagkatabi ko ng gadget ko bigla naman dumating prof namin.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Fictional Character ( ON HOLD )
Novela JuvenilPosible ba na mainlove ka sa isang tao na ni minsan ay di mo pa nakita? Sa taong hindi naman talaga nag eexist, yung taong kung tawagin nila ay isang FICTIONAL CHARACTER.