Chapter 5

16 1 3
                                    

Aero's POV

"Pre, malapit na kami sa mall. Saan na kayo?" tanong ni Jaren sa kabilang line.

Nagkayayaan kasi kami na magbar tutal matagal na din simula nung last na punta namin. 3 weeks ago tagal na walang chicks. Nagtataka kayo bakit sa mall? Wala lang baka may chicks dun e pampalipas oras lang habang sarado pa yung bar.

"Dito na kami pre kayong dalawa na lang at si Scott wala" sagot ko sakanya tska binaba na yung phone.

Nag arcade na lang muna kami habang wala pa yung tatlo. Ilan minuto lang naman lumipas at nakarating na yung kambal.

"Kahit kelan talaga yung Scott, lagi na lang late ambagal kumilos. Minsan napapaisip ako kung lalaki ba siya talaga." natatawang sinabi ni Brian.

Biglang may humawak sa balikat niya at pagkaharap niya may bigla na lang sumuntok sa kanya.

"Kung nababaklaan ka na sakin, wala na ko magagawa pa. Pero wag mo ko idamay sa kabaklaan mo. Sa gwapo kong 'to sayang lahi ko pag nagkataon." pagkasabi nun ni Brian ay sakto naman na pagdating ni Rainier kaya narinig niya ito.

"Congratz pare. Aga nabinyagan ah. May mamaya pa. Tara na nabobored na ko dito." natatawang sabi ni Alexis at nauna ng maglakad.

Habang naglalakad kami may napansin akong dalawang chicks magkaibigan siguro to. Pareho silang maganda pero mas type ko yung mas matangkad. Alam ko isang malaking kahihiyan gagawin ko pero bahala na. Huminto ako sa paglalakad agad naman napansin yun ng mga barkada ko. Malas naman bakit kasi ambilis nila makaramdam. Hay bahala na. Nag act ako na parang nasisilaw effective naman siya dahil napahinto yung mga chicks.

"Are you ok?" her voice is so sweet mukha naman game tong chicks na to. Ganda niya talaga lalo sa malapitan nakakainlove pa yung boses. Tutal marunong naman siya makiride sasagarin ko na.

"Sino ka? Nasa langit na ba ako? Bakit may isang anghel akong nakikita?" sagot ko sa kanya sabay wink.

"I'm not an angel,actually I'm a goddess." she said and insert her sweetest smile. Mukha nga talaga siyang Diyosa. Naririnig ko na yung tawanan nung mga gago. Naku bahala sila inggit lang sila hahaha

"Woooo baduy mo par nakakadiri ka" kantiyaw ng mga barkada ko at sabay na nagtawanan. Sabi na eh imposible na suportahan nila ko.

"Inggit lang kayo, sablay kasi kayo madalas sa mga chix" bawi ko at nagsmirk. "Hello goddess I'm Troy, Troy Aero Riou, and I will be your man" pakilala ko tska inabot yung kamay nung diyosang kaharap ko at hinalikan ang likod ng palad nito.

"Hi, I'm goddess Maxpein just call me Maxi or PrettyMaxi. My pleasure to meet you" she said in a sexy voice.

"So do mind joining us? Let's call it a group date, if it's fine with you" I asked her hoping na papayag naman siya. Kelangan maidate ko to, Maganda eh. Iba siya sa mga chicks na nameet ko before.

"Uhm sorry pero may lakad pa kami e. Let's go Maxi" may bigla sumingit sa usapan namin. Agad naman kami napatingin dun sa masungit na babae. Nagsimula na siyang maglakad pero huminto din nung mapansin niya na di nakasunod yung kaibigan niya.

"So? Don't tell me sasama ka sakanila? Paano kung rapist mga yan o kaya member ng sindicate o kaya nag aalay ng mga tao?" grabe naman siya sa gwapo namin to mukha ba kaming ganun?Di naman di ba. Man hater siguro siya. bigla ko natigil sa iniisip ko nung mapansin ko na isa isa niya kaming tinitignan na para bang sinusuri.

Kapansin pansin na natigilan siya nung nakita niya si Rainier. Mukhang type ni ms. sungit si Rainier maganda to. Halata siya masydo tinititigan niya si Rainier mula ulo pababa sa....abs? Hahaha abs lang pala katapat. Mukha naman napansin yun ni Rainier dahil bigla na laneg itong nag grin bago magsalita.

I'm inlove with a Fictional Character ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon