Act #15

1.5K 52 1
                                    

"The end of us"

Kasabay ng mabilis na paglipad ang mabilis ring pagbagsak ng aking mga luha .Hindi ko mapigilan ang bawat patak nito .

"Ry,bakit ka umiiyak?At isa pa bakit tayo lumilipad saan tayo pupunta?"

Tumingin ako kay shan at mapait na ngumiti rito.

"Iuuwi na kita"

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata na agad napalitan ng matinding galit ang kanyang mga mata .

"No!Ibaba mo ko rito!"

"I'm sorry shan but i need to do this"

Agad akong naglabas ng usok na kayang magpatulog at sa isang iglap lang ay tuluyan ng nakatulog si shan .

"I'm sorry shan,Alam kong masasaktan ka sa gagawin ko pero ito lang ang alam kong tamang paraan upang hindi kana masaktan pa"

Kasabay ng masuyong paghalik ko aa kanyang pisngi ang muling pagbagsak ng masaganang luha mula sa aking mga mata.Mabilis akong naglaho kasabay ng hangin at ng imulat kong muli ang aking mga mata ay nasa harapan na ako ng mga magulang ni shan .

"Isang kalaban!" Sigaw ng isang kawal at isang pitik lamang ang aking ginawa ay tuluyan na itong naglahobat naging abo .

"Wala akong balak makipag away o manggulo sa inyo pero kung gusto ninyo ng away!Sige!Pagbibigyan ko kayo"

Tumingin ako ng masama sa kanilang lahat at bawat isa sa kanila ay napaatras .

"Anong ginagaw rito ng isang prinsipe at bakit mo hawak ang aming anak?"

Tumingin ako sa babeng nagsalita walang iba kundi ang ina ni shan ngumiti ako sa kanya .

"Hindi ko akalain na kayo ang magiging mga magulang ni shan,how long we didn't see each other at sa ganitong sitwasyon pa talaga tayo nagkita"

"Ikaw ang matagal na hindi nagpakita sa amin ng asawa ko"

Tumingin ako kay bernard na ama ni shan at ngumiti rito .

"Masyado lamang akong naging abala nitong mga nagdaang taon ngunit hindi na mahalaga ang bagay na yun"

Tumingin ako ng seryoso sa kanilang dalawa .

"Ibinabalik ko na ang anak ninyo"

"Ngunit bakit?Sa tingin ko naman ay mahal mo ang aming anak at isa pa ay kaya mo naman siyang protektahan"

Bahagya akong napatawa sa sinabi nila.

"Hindi parin talaga kayo kumukupas sa pagkilatis ng tao"

Dahilan upang sila naman ang matawa sa sinabi ko.

"Ngunit hindi na mahalaga ang bagay na yun aaminin ko mahal ko ang anak ninyong dalawa ngunit hindi siya ligtas pa para sumama sa akin ngunit huwag na kayong mag alala pa kung sakaling magising siya ay wala na siyang maalala tungkol sa akin dahil inalis ko na ang lahat ng memorya ninyang kasama ako"

Tumingin ako sa kanilang dalawa at hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak .Muli akong sumulyap kay shan na hanggang ngayon ay wala paring malay.

"Patawad"

Saad ko rito at isang masuyong halik ang ibinigay ko rito .

"Sana'y hayaan ninyo bantayan ko parin siya kahit na sa malayo"

"Kung yan ang kahilingan mo prinsipe Rylie maari mo siyang bisitahin kahit anong oras mo gustohin"

"Sapat na sa akin ang matanaw lang siya"

Saad ko sa mga magulang ni shan bago ako naglaho sa kanilang harapan .

Tumigil ako sa paglipad at hinayaan ang katawan kong bumagsak malakas ang pagtama ng katawan ko sa lupa ngunit wala akong maramdaman sakit sa aking katawan mas masakit parin ang kirot ng nasa dibdib ko patuloy parin ang pagbagsak ng aking mga luha .

Tumingala ako sa kalangitan at muli na namang bumagsak ang aking mga luha .

Bakit ba kasi kailangan ko pang maging ganito?

Bakit ba ako pa!

Kung sana naging kapwa normal na lamang kaming dalawa .

Baka sakaling naging Kami pang dalawa.

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang muling pagbalong ng mga luha sa aking mga mata,ipinikit ko na lamang ang aking mga matang pagod na sa pag iyak,hinayaan ko na lamang ang aking katawan na mabasa at damhin ang malamig na dampi ng tubig ulan sa aking balat .

At umaasang na sana'y mahugasan ng ulan ang lahat ng sakit na dinadala ko na sana kapag natapos na ang ulan at sumikat araw ay sana'y tapos narin ang bigat sa aking dibdib .

Sana'y matapos na ang lahat ng ito...

Wakas

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon