Teaser 3

1.1K 36 0
                                    

"Naglalakad lamang ako sa isang madilim na kalsada walang alam kung saan ko tutungo .Basta nakayuko lamang ako at nakatitig sa aking paanan habang sinisipa-sipa ang ilang batong nakakalat sa daan.

Gabi na at malamig ang hangin .Ngunit walang saysay ang lamig na umihip sa paligid kahit ang manipis kong damit at ang lamig na dulot ng hangin ay hindi ko na ramdam pa tila namanhid ang buong katawaan ko napaupo na lamang ako sa isang sulok habang marahang pinapahid ang ilang butil ng masagang luha na pumapatak sa aking pisngi ,masakit sobrang sakit .

Hindi ko alam pero parang wala ng bukas pang naghihintay sa akin.Gusto ko ng mamatay.Gusto ko ng tapusin ang lahat ng sakit na ito.

Tumingala ako sa langit ,kasing lamlam ng liwanag ng buwan ang lungkot na nraramdaman ko,kahit kaunting liwanag ay wala akong mahagilip parang sinakop na ng kadiliman ang buo kong katawan .

Naramdaman ko na lamang ang aking sarili na sinimulang ihakbang ang akibg mga paa patawid sa kalsada at ang huling tapak ko sa gitna ng kalsada ay isang kulay dilaw na liwanag ang bumulag sa aking mga mata at kasabay nito ang malakas na busina na bumasag sa aking tenga at naramdaman ko na lmang ang pagkawasak ng aking katawan at ang naiwang saksik sa aking pagkawala ay ang huling patak na lamng ng aking luha at ang malamlam na liwanag ng buwan."

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon