Season II : Two

1.3K 45 3
                                    

Inilapag ko na lamang sa aking tabi ang hawak kong instrumento at inilagay ang dalawa komg kamay sa likuran ng aking ulo at tumingala sa kalangitan .Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam ,parang may kulang sa akin simula ng magising ako ,parang may nawala sa buong pagkatao ko.Sinubukan kong hanapin ang sagot sa lahat  tanong ko ngunit kahit isang sagot ay wala akong nahanap.Sinubukan ko naring halungkatin ang lahat ng ala-alalang meron ako ngunit kahit isa ay wala rin kong makuhang sagot .Hindi naman ako tanga para hindi malaman kong ano ang nawala sa akin.Napatigik na lamang ako sa aking pag iisip ng bigla akong makarinig ng kaluskos,hindi muna ako gumalaw upang pakiramdamn ang paligid at ng mahanap ko na ang target ay agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at agad akong nagpalabas ng sampung ice spike sa may  likurang bahagi ng isang puno.

Agad kong narinig ang malutong na mura mula sa nilalang na nasa likuran ng punong inatake ko at mula sa likuran ng puno ay lumabas roon ang isang lalaki nakamaskara.

"Patawad Mahal na Prinsipe kong naabala ko ang iyong pamamahinga, balak ko na sanang umalis kanina kong hindi lamang ako nahulog mula sa itaas ng puno ay tiyak na hindi ko na sana napeste ang iyong pamamahinga"

Napabunting hininga na lamang ako sa kanya at saka tumango muli akong bumalik sa pagkakahiga at muling ipinikit ang aking mga mata .

Naramdaman ko na lamang ang pag upo ng lalaki sa aking tabi .

"Akala ko ba'y aalis na siya?"

"Napakalungkot naman ng mga mata mo mahal na prinsipe nais mo bang handogan kita ng isang maikling kwento?"

Hinayaan ko na lamang dumadal ang lalaking nasa tabi ko nais ko na lamang sanang tulugan ang misteryosong lalaking nasa gilid ko ng bigla na lamang itong magtanong .

"Ikaw mahal na prinsipe sa tingin mo bakit tayo nasasaktan kapag iniiwan tayo ng mga mahal natin?Hindi ba't pwedi naman tayong maging masaya kahit na iniwan tayo"

Seryoso akong tumingin sa kanya .

"Bakit nga ba?"

"Simple lang,dahil umasa tayo sa mga pangako nila,umasa tayo na maiibalik pa ang dati ,mga panahon na kung saan kayo naging masaya"

"Hindi ba pweding minahal lang naman natin sila ng sobra kaya tayo na sasaktan?"

"Mali ka dyan,Mahal na prinsipe,Kung talagang mahal natin ang isang tao ,matutuo tayong magparaya kahit masakit para pang sa ikakaligaya nila ganoon ang totoong pagmamahal kaya nating magsakripisyo kahit ang kaligayahan pa natin ang ibigay natin"

"Tandaan mo shan ,kapag nagmahal ka handa kang sumugal para lang sa kaligtasan ng taong mahal mo"

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang pagbanggit nito sa aking pangalan parang bombang sumabog sa aking pandinig ,pamilyar sa akin ang boses na yun ,nahuli ko na lamang ang aking sarili na lumuluha na pala mabilis kong binuksan ang aking mga mata at tumingin sa lalaking katabi ko ngunit laking panghihinayang ko na wala na pala ito .Napaiyak na lamang ako.Hindi ko alam pero sobrang sakit ng dibdib ko para akong mamatay sa sobrang sakit .

Napahagolhol na lamang ako at hindi ko na inisip pa ang maaring makakita sa akin .Muli ay para akong nagbalik sa dating ako sa dating nakalipas na dalawang taon na kung saan natatagpuan ko na lamang ang sarili ko nalunod sa matinding kalungkutan .Bakit?

Matapos ang mahabang hapon ay naisipan ko narin ang umuwi na sa kwarto ko ,lupaypay at ng hihina akong naglakad para akong lasing kung maglakad walang deriksyon .

Ipinikit ko ang aking mga mata bago ko binuksan ang kwarto ko ,humalik sa akin ang malamig na hangin na nanggagaling sa bukas na bintana wala paring nagbago sa loob ng aking silid kahit lumipas na ang dalawang taon .

Tamlay akong lumapit sa aking higaan at patapon kong itanapon ang aking sarili sa kama ,tuliro at walang laman ang aking utak tanging abg mabigat na pakiramdam lang ang nasa aking dibdib.

Tila may sariling buhay ang aking katawan at kusa itong kumilos,lutang akong lumapit sa kabinet at kusang gumalaw ang aking kamay upang may kunin at unang nakuha ko ang kulay itim na hood hindi ko alam kung kanino ang damit na ito pero ang kabog ng aking dibdib ay pamilyar sa akin at marahan kong sinamyo ang damit na hawak ko at halos mabaliw ako ng nanuot sa aking katawan ang mabangong amoy ng damit na pakapamilyar ng amoy ngunit hindi ko matandaan kung kanino.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na yakap yakap ang hood na hawak ko at bumabalong ang luha sa aking mukha .

Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan ng ganito parang may kulang sa aking pagkatao.Kulang na kahit kailan ay hindi ko alam kung anong paraan ang maari kong gawin upang punan ang bawat kulang sa aking pagkatao.

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon