Iyak ng bata ang nagpagising sa mga tao sa bahay ampunan. Dali-daling bumangon ang nangangasiwa doon nang may marinig siyang malalakas na katok. Isang lalaki na may hawak na bata ang nasa harapan ng pintuan ng ampunan. Iniabot nito ang bata na nakabalot sa puro dugong basahan.
"Pakiingatan ang bata," wika ng lalaki na nag-abot. Naamoy ang tubig dagat sa katawan ng sanggol.
"Bilisan niyo. Huwag niyong ipapaampon ang bata," sigaw ng lalaki at iniwan ang sanggol sa naguguluhang taga-pangasiwa. Umiiyak ang sanggol at mukhang giniginaw dahil sa kawalan ng saplot sa katawan. Nagmamadaling umalis ang lalaki at tuluyang iniwan ang sanggol na lalaki sa bahay-ampunan.
"Panginoon ko, may pusod pa ang bata. Mukhang kapapanganak pa lang." Nagkagulo sa bahay-ampunan dahil sa lakas ng iyak ng sanggol. Gutom na ito at giniginaw.
"Ano ang ipapangalan natin sa bata?" Tanong ng isang nangangasiwa doon.
"Nathaniel," sagot ng madre na kasalukuyang naninirahan sa ampunan. Lumapit siya sa sanggol na guton na gutom na dumedede sa bote.
"Nathaniel ang pangalan ng anghel na ito."
BINABASA MO ANG
The Lone Wolf
RomanceI met her when she was a teenager. Although she's trying to hide her wealth, she stood different from the crowd, she just can't. Her eyes are observant, her face is angelic, and her name is Saint Gatchalian. I met her during the time I was nothing. ...