Saint
"Ate, bakit parang kulang sa gamit ang mga bata sa ampunan?"
Pauwi na kami ni Ate Jolina galing sa ampunan. Nakasakay ulit kami ng bus paakyat sa Tagaytay. Napangiti siya nang kaunti sa akin pero alam kong malalim ang iniisip niya.
"Dahil hindi lahat ay kasing palad natin," sagot ni Ate Jolina, ang secretary ni Daddy na ang turing sa akin ay nakakabatang kapatid.
"I know, pero bakit nga? Bakit lugaw ang kinakain nila ng lunch? Bakit hindi sila nag-aaral? Bakit wala silang computers or kahit... crayons?" Pahina nang pahina ang mga tanong ko.
"They are struggling, Saint," maikling sagot ni Ate.
"In funds?" Tumango si Ate Jolina at hindi na in-elaborate ang sagot.
"I can ask Papa P to donate," I murmured.
"Ginagawan ko na ng paraan. Nakausap ko na si Ralph at London," sagot ni Ate. Si Kuya Ralph ang co-owner ni Mommy sa restaurant at kaibigan niya si Kuya London, na anak ng may-ari ng Hacienda Vicente sa Negros.
"But I want to help," I said na ikinangiti ulit ni Ate Jolina.
"You have a big heart, Saint."
Nahihiya akong nagyuko ng ulo. Madalang kong marinig 'yan. Alam kong maldita, spoiled at mean ako, pero ang may malaking puso? Only my parents and Papa P told me that.
"Ate, sino si Nathaniel?"
Nataas ang kilay ni Ate Jolina. "Na-meet mo siya?" Tumango ako.
"At sinungitan ka?" Tumango ulit ako na ikinailing ni Ate Jolina.
"Huwag mo na lang pansinin. May problema lang siya."
"Bakit nandoon pa siya sa ampunan? How old is he anyway?" curious na tanong ko.
"He is sixteen or seventeen na. Hindi kasi siya pinaampon ng dating namamahala sa ampunan kaya naiwan siya doon," pagkukwento ni Ate Jolina.
"Ang tangkad niya naman para sa seventeen," I commented na ikinatawa nang kaunti ni Ate.
"Matangkad nga siya. Nakakagulat nga e. Pero hayaan mo lang siya ah. Wag mong patulan ang kasungitan."
Okay.
That night, I talked to Papa P regarding my idea. Pagdating kasi sa business and concept, si Papa P ang the best. Lolo ko siya but he chose to be called Papa P. Kasi naman mukha silang magkapatid ni Daddy.
"Papa P, may I come in?" tanong ko sa may pintuan ng office niya sa bahay.
"Pasok ka Saint. Kamusta ang experience sa bahay-ampunan?" Nakangiting tanong ng Lolo ko.
"It's... a humbling experience," I replied truthfully.
"I want to help them, but I don't want to ask for your money or from my parents. Gusto kong paghirapan ang itutulong ko sa kanila. But the problem is, I have a concept with no clear plan." Frustrated akong naupo sa harapan ng table.
"Let me hear it," Sagot ni Papa P sa akin. So, I layed-out my concept and he gave me his opinion. Sinusulat ko ang pros and cons ng mga sa mga concept ko according sa point of view ng isang businessman.
Kinabukasan, sumama ulit ako kay Ate Jolina, and this time sa home for the aged kami pumunta. Hindi ko kinaya ang kalagayan ng matatanda doon. Kinailangan kong pumunta sa toilet at doon mag-iiyak. Tahimik akong umuwi sa bahay. Determinado akong maging feasible ang plano ko. For the youth of ampunan and for the elders of bahay matanda.
After a week, nagpunta ulit kami ni Ate Jolina sa ampunan kasama si Kuya Ralph at si Kuya London na obvious ang curiosity kay Ate Jolina. Parang kailangan kong isama sa agenda ko ang paglapitin ang dalawang ito. Hey, why not? I typed something on my reminder and hid my phone immediately.
Nawala ang ngiti ko nang madatnan namin si Ma'am Elena na nagmamakaawa sa mga lalaking obviously ay puputulan sila ng kuryente. Mabilis kaming bumaba ni Ate Jolina sa kotse at lumapit kami sa kanila.
"Teka ho. Sandali," pigil ni Ate Jolina sa mga lalaking pilit na pumapasok sa compound.
"Miss, kung hindi kayo makakabayad ngayon, kailangan naming kayong putulan. Ginagawa lang naming ang trabaho namin, pasensya na."
"Magkano ba ang kulang nila sa kuryente?" tanong ni Ate habang kinukuha ang wallet. Alam ko hindi sasapat. Gaano lang ba ang natitira sa kanya sa sinusweldo niya sa shop? Kailangan niya ring magbayad ng mga bills niya.
"Dalawang buwan na kasi ang kuryente nila. Bali..." Sinabi ng lineman ang bill ng ampunan. Nakita kong napalulon si Ate Jolina.
"Pwede po bang installment?" tanong ni Ate.
"Hindi pwede, Miss," sagot ng lineman.
"Pwede po bang ibayad ang cellphone?" sabad ko sa usapan ng matatanda. I know, I should have kept my mouth shut, but I can't. Itinaas ko ang cellphone ko na bigay ni Papa P at alam kong hindi biro ang halaga nito. It can cover the bills at may sukli pa.
"Wag niyo na silang putulan, kami na ang bahala sa bills." Nakialam na si Kuya Ralph. Oh God, thank you, kasama namin si Kuya Ralph at Kuya London. They can just throw money at them. Tapos ang problema.
"Pumasok na kayo, Jolens. Kami ng bahala dito," taboy ni Kuya London sa amin.
Kinalma ni Ate Jolina si Ma'am Elena at tinulungan ko silang pinapasok ang mga bata sa TV room para malibang. Ramdam ko ang tingin ni Nathaniel sa akin habang nakikihalubilo ako sa mga bata. Para maalis ang trauma nila sa nangyari, nilabas ko ang mga paint na dala ko at nagpaalam kami kung pwede kaming magpinta sa wall. Parang graffiti sana pero gawa ng mga bata. Para meron silang masayang memories na maiiwan kung sakaling umalis na sila dito. At least may maiiwan silang magandang alaala na babalikan.
—————
A/N
Available na for pre-order ang
A Love Beyond Time at A Love Worth Waiting For. message me on FB page. wattpad-yumi
BINABASA MO ANG
The Lone Wolf
RomanceI met her when she was a teenager. Although she's trying to hide her wealth, she stood different from the crowd, she just can't. Her eyes are observant, her face is angelic, and her name is Saint Gatchalian. I met her during the time I was nothing. ...