Chapter 1- Unang Pagtatagpo

2.1K 190 10
                                    

Nathaniel


"Nathan," tawag sa akin ni Ma'am Elena— ang nangangasiwa ng bahay-ampunan na tinitirahan ko. "Bakit po?"

"Doon tayo sa office ko," sagot ni Ma'am Elena. Kinakabahan akong sumunod sa kanya papasok ng office. Papaalisin na ba nila ako?

"Maupo ka."

"Tatayo na lang po ako." Huminga muna nang malalim si Ma'am Elena bago nagsalita.

"Alam mo ang suliranin ng ampunan, hindi ba?"

Marahan akong tumango. Pilit binebenta ng gobyerno ang lupa para sila lamang ang makinabang dito.

"At ilang buwan na lang ay dise-otso ka na." dagdag niya pa.

"Kaka-birthday ko lang, Ma'am Elena. Gusto ko munang maging seventeen muna," biro ko pero ramdam ko na ang kasunod na sasabihin niya.

"Kailangan mo nang maghanap ng malilipatan pagdating mo ng eighteen."

Pinapaalis na nga nila ako.

Nanlalambot akong napaupo sa bakanteng upuan sa harapan ng table ni Ma'am Elena.

"Ma'am, sapat lang na panggastos sa pag-aaral ko ang kinikita ko sa fastfood. Saan po ako titira?" nanlalambot kong tanong.

Nagpahid ng luha si Ma'am Elena at suminga nang kaunti bago ako sagutin.

"Hindi ko na alam ang gagawin, Nathan," sagot ng matanda na tuluyan nang umiyak.
"Pinagkakasya ko lamang ang binibigay ni Jolina ngunit hindi sapat."

Si Ate Jolens... Baka matulungan niya ako. Baka pwede akong makitira sa kanya pansamantala.

"Sige po, kung ano po ang makabubuti sa lahat. Hahanap na po ako ng malilipatan."

"I'm sorry Nathan. Hindi ko gusto na paalisin ka. Ngunit kailangan nating sundin ang patakaran ng ampunan. Kung sana ay..."

Kung sana ay naampon ako dati pa.

"Naiintindihan ko po," pilit kong isinagot.

Lumabas ako ng opisina ni Ma'am Elena na wala sa sarili. Napatigil ako sa paglabas sa pintuan nang makita ko si Ate Jolina, ang isa sa mga volunteer workers dito sa ampunan, na may kasamang isang dalagita. Ang unang pumasok sa isip ko ay anak mayaman ang kasama ni Ate.

"Mga batang pinagpala," bulong ko sa sarili ko. Imbes na lumabas ako, nagsumiksik na lang ako sa kusina kasama ng mga buntis na nagtatago sa ampunan.

"Kay gwapong bata." Kinurot na naman ako ni Ate Berna sa pisngi.

"Tigilan mo ako, Ate Berna. Hindi ka na naglilihi."

Natatawa siyang bumalik sa paghihiwa ng luya na isasahog sa walang katapusang lugaw. Hindi ako nakatiis na usisain si Ate Jolina ng magawi ito sa kusina.

"Sino ang kasama mo, Ate?" tanong ko sa kanya.

"Mukhang mayaman e," Wala sa loob na naidugtong ko. Napailing si Ate Jolina sa akin. Alam kasi niya ang galit ko sa mayayaman.

"Anak ng kasamahan ko 'yan sa shop. Kung mayaman 'yan e di sana hindi na nagtatrabaho ang tatay niya," sagot ni Ate. Hindi pa rin ako naniniwala.

"Bakit ang taas mo na?" Pag-iiba ni Ate sa usapan. Ganyan siya kapag ayaw niya ang topic, iniiwas ang usapan sa iba. Akala mo naman nakakalimutan ko.

"Wag ka kasing nagsisinungaling para tumangkad ka," I replied. Napangiwi nang kaunti si Ate Jolina sa isinagot ko.

"Lumabas ka na nga. Tignan mo ang mga bata sa TV room at baka may nag-aaway na doon."
Gaya ng inutos sa akin, lumabas ako ng kusina at pinuntahan ang mga bata na busy sa pagkukulay. Kailan pa nagkaroon ng maraming Crayola dito sa ampunan?

"Hi," bati ng kasama ni Ate Jolina sa akin.

Maamo ang mukha niya na parang anghel sa mga aklat na naririto sa ampunan. Namumula ang pisngi niya dahil mukhang naiinitan na. Nakatali na rin ang may kahabaang buhok at kahit na nakaputing t-shirt lamang ito, alam mong laba sa mamahaling sabon at hindi nilaban sa poso gaya ng mga damit namin na naninilaw na dahil sa kalawang.

"Hindi mo dapat sinasanay ang mga bata sa mga bagay na okay naman kahit wala sila." Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Hindi ko naman na iuuwi ang mga 'yan," sagot niya.

"Kuya Nathaniel," tawag ng isang bata sa akin. Tinanguan ko ito nang ipakita niya ang kinukulayang bulaklak.

"Nathaniel pala ang pangalan mo. I'm Saint." Nilahad ni Saint ang kamay niya at kabastusan naman kung hindi ko tatanggapin. Kinamayan ko siya nang mabilis at binitawan agad ang kamay niya na sobrang lambot. Alam na alam mong walang ginagawa sa bahay.

"Dito ka ba nagtatrabaho? Volunteer ka rin ba?" she asked.

"Mukha ba akong nag-oopisina dito? Sa suot kong shorts at tsinelas, mukha ba akong volunteer worker? Malamang dito ako nakatira. At ano kasunod mong tanong? Bakit nandito pa ako?" Napayuko si Saint sa outburst ko. Pati ang mga bata ay natahimik. Ang ilan ay binitawan ang ginagawa at nagyuko na lamang ng ulo.

"I didn't mean to—"

Hindi ko pinatapos si Saint. Lumabas ako ng TV room at naghanap ng gagawin sa masukal na taniman. Noon, nagtatanim kami ng gulay para kahit papaano may makain kami. Pero simula noong hindi na kami binigyan ng buto na pangtanim ng DENR, wala na kaming maitanim na mga gulay. Dahil imbes na gawin naming punla, isinasahog na lang sa lutuin ang inaani kahit magulang na ang mga ito. Napaka-unfair talaga ng mundo.


-----------

A/N

Bago kayo magcomment ng "Ms. A, bitin" 
Nakapre-order na ang A Love Beyond Time at A Love Worth Waiting For.
Please go to my FB page Wattpad-Yumi. 

The Lone WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon