A/N: All pov's are Katey's.******
Inisukbit ko na ang backpack ko nang marinig yung bell na hudyat na tapos na ang klase sa araw na ito. Wala na akong niligpit na gamit dahil hindi naman ako nagsulat. Tsk. Katamad lang yan. Tsaka pwede ko namang picturan yung notes ng mga kaklase ko. Hi-tech na eh!
"Let's go bes!" aya saken ni Crystal at masaya itong nakakapit sa braso ko habang paalis kami ng room.
Rinig ko pa ang masasayang kwentuhan ng mga kaklase kong nakatanggap rin ng invitation cards.
"Let's go girls! Hanap na tayo ng dress!"
"Yieee I'm so excited!"
"Ako rin! Ang raming GWAPO pa naman sa mga Seniors!"
I just sighed. Marurupokszxx!!!
"Dalian na natin bes! Baka maunahan tayo." nagmamadaling sabi ni Crystal at hinila na talaga ako nito.
Grabe 'tong babaeng to! Para namang isa la yung mall rito.
"Easy lang, pwede naman tayo doon sa boutique ng mommy mo bumili." I said pero umiling lamang ito.
"No! Doon tayo pupunta sa boutique ng mga Carlson mas magaganda at magagara doon." nakangising sabi pa nito. Tingnan mo itong babaeng ito, walang suporta sa magulang nya naturingan pang model ng mga damit ng mommy nya.
"Bahala ka. Ikaw naman yung pipili ng damit ko, di ba?" simpleng tanong ko pero halos mabuwag na yung ulo nya sa kakatango. Tsk. Tong babaeng to gagawin na naman akong munyika este manika.
"Let's gooooooo!!" she shouted kaya napatingin samin yung ibang estudyante. Napa-facepalm na lamang ako. This girl! Tss.
----
"Here's the final touch!" masayang sabi ni Tita Rysa at nilagyan ako ng lipstick. I'm here at Crystal's house dahil dito na kami nag-ayos for the party. Yes, guys! Dito sa wattpad isang pitik lang Friday na. So, yeah! Party time na.
Nakasuot na ako ngayon ng dress na pinili saken ni Crystal na sobrang mahal pero sobrang ganda rin naman. Hindi ako mukhang makikikain lang para talaga akong special guest sa party dahil sa ganda ng dress.
"OMG!" sigaw ni Crystal ng makita ako nito. Nakangiti naman saakin si Tita.
"You're so pretty, Katey!" puri nito.
"I told you mom! Bagay sya maging model ng clothing line natin!" sumbong pa nito.
"Yes, I know that. Sana in the future you will be willing to be one of my models Kate." saad nito pero napatawa na lamang ako.
"Naku, Tita baka matapilok lang ako." I pouted kaya natawa yung dalawa.
"O' sya baka ma-late na kayo!"
Agad naman kaming nagmadaling kunin yung purse namin at bumaba na.
"You're also pretty rin bes!" puri ko dito kaya ngumisi ito ng malaki.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa nakaabang na limousine sa front door. Yes, mayaman talaga itong sila Crystal.
After 30 minutes ay nakarating na kami sa venue. Maraming usherettes na nakaabang sa entrance ng Hotel at iginiya kami sa loob ng function hall. Feeling ko tuloy isang business party ito dahil sobrang pormal ng mga suot ng boys and girls. Kitang-kita talaga na mayayaman ang mga estudyante ng Carlson.
Agad kaming naghanap ng vacant table ni Crystal at nakihalubilo sa mga kaklase namin. I mean si Crystal lang pala.
"Bes, punta lang ako sa buffet" paalam ko rito at tumango naman ito. Ipinagpatuloy nito ang pakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko.
Sya lang naman talaga itong madaling makisama sa ibang tao. While me? Kuntento na ako sa pagkain haha. Pero seryoso, hindi ako kumportable na makipaghalubilo sa iba maliban nalang kung sila mismo yung kakausap saken.
Masaya akong naglakad pabalik sa table namin ni Crystal dala-dala yung mga pagkain na kinuha ko sa buffet.
Our table is six-seater kaya pagdating ko roon may mga naka-okupa na ng tatlong upuan. Dalawang lalake at isang babae. Mukhang magkakakilaka ata sila dahil panay ang kwentuhan nila.
Wala akong imik na umupo sa upuan na bakante at nagsimulang kumain. They looked at me pero hindi ko sila pinansin.
"Hey, I know you!" usal ng babae saakin kaya napatingin na yung dalawang lalake na kasama nya.
I just frowned at her and shrugged my shoulders.
Well, hindi ko kasi sya kilala.
"Oh, mukhang hindi mo ako nakikilala" she chuckled and continued talking. "I'm Marianette! Classmates tayo noong high school!" she introduced herself.
Nagulat naman ako sa nalaman. What? Classmates kami nung high school? I don't remember her!
"It's a good thing na magkapareha pala tayo ng University na pinasukan. Siguro hindi mo ako kilala dahil laging si Crystal lang naman yung kinakausap mo noon." sabi nya pa kaya napatango ako. I agree with that. Si Crystal lang naman talaga yung laging kasama at kausap ko maliban kung may group projects.
"Dito rin ba nag-aaral si Crystal?" she asked kaya tumango ako at itinuro si Crystal na nakikipag-tawanan pa rin.
"Oh, she's really friendly!" masayang sabi nito pero di ko na pinansin.
"So, she's the best friend of Crystal?" tanong nung lakakeng laging nakangiti. Sinagot naman sya nung Marianette.
"So, pwede bang makahingi ng number nya? She's my crush ever since!" excited na sabi ng lalake kaya napatanga ako. The efff?
"Baliw ka talaga, Ethan! You didn't even introduce yourself tsaka it's better if ikaw mismo manghingi kay Crystal tutal she's on her way here." usal ni Marianette kaya napatingin ako kay Crystal na may hawak ng pagkain at papunta na sa table namin.
"But--" protesta nung Ethan pero agad ring natahimik ng magsalita yung lalakeng kanina pa tahimik.
"Be a man Ethan." malamig na tugon nito.
"Oh hi there!" bati agad ni Crystal ng makarating ito sa table namin. She is smiling widely.
••••••
BINABASA MO ANG
WHERE IS CRYSTAL?
Ngẫu nhiênWHERE IS CRYSTAL? ****** When Katey woke up she's at the hospital, her family and Crystal's family were surrounding her. They were glad that she's finally awake but Katey didn't mind them instead she asked them, "Where is crystal?" She looked aroun...