Binuksan ko ang pintuan ng Police station at pumasok rito. Agad naman akong lumapit sa police na pinagreklamuhan ko noong nakaraang linggo. He was reading a document kaya tumikhim ako upang makuha ang atensyon nito.
"SPO4 Dantes! Magandang umaga!" bati ko rito pero kumunot lamang ang noo nito.
"Magandang umaga rin hija, pero wala pa rin akong impormasyon na maibibigay sa iyo." deretsong sabi nito saakin pero napailing na lamang ako.
"Hindi maaari! Kailangan na natin syang mahanap! Crystal might be suffering right now!" hindi ko na mapigilan na tumaas ang boses ko dahil sa labis na pag-aalala sa kaibigan ko.
"Pasensya na hija, ngunit may ebidensyang nagsasabing nagtanan ito. Bakit ba ipinagpipilitan mo'ng may kumuha rito?" naiinis na saad nito at ibinalik na ang mga mata sa mga dokumentong binabasa nito kanina.
I sighed.
"Ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo na nagkaroon nga ako ng malay noong nasa kotse pa ako! Nakita ko syang duguan at nahimatay! How can she ran with that kind of state?!" paliwanag ko ulit rito pero umiling lamang ito.
"Hija, hindi mo naman nakitang may kumuha sakanya, hindi ba? Kaya pwede ba tigilan mo na iyan! Siguradong masaya na iyong kaibigan mo sa taong mahal nito." sabi pa nito na lalong ikinainis ko.
"Urgh! Useless!" I mumbled at agad na lumabas.
Hindi ko talaga ako naniniwalang nakipagtanan si Crystal. At sa ganoong lagay pa! My car wasn't in a perfect condition at that time same as the road was slippery kaya nabunggo kami sa malaking kahoy. Impossibleng plinano ito ni Crystal para makapagtanan.
Hahanapin ko ang best friend ko! Kahit na walang tulong ng mga palpak na mga pulis na iyan! Lagi naman silang huli sa mga palabas hindi ba? They're really useless!
Crystal, kung nasaan ka man ngayon. Just wait for me and I'll definitely gonna find you!
****END OF PROLOGUE****
BINABASA MO ANG
WHERE IS CRYSTAL?
De TodoWHERE IS CRYSTAL? ****** When Katey woke up she's at the hospital, her family and Crystal's family were surrounding her. They were glad that she's finally awake but Katey didn't mind them instead she asked them, "Where is crystal?" She looked aroun...