Chapter Three: Cooking Lessons

79 2 0
                                    

Chapter Three: Cooking Lessons

*Selene’s P.O.V.*

Bumaba ako sa sala. I tried to walk as gracefully as possible. Nabasa ko kasi sa net na ang mature at sophisticated woman ay puno ng poise at smarte kung kumilos. Kaya naman eto ako, todo-effort sa pagpapaganda ng lakad ko. Nakasuot din ako ngayon ng dress. Hindi raw kasi mukhang sophisticated kapag ang suot palagi ay jeans at tshirt. Feeling ko rin naman, kasi mukhang boyish ang dating nun.

Nung makarating ako sa sofa nakita kong parang gulat sina kuya at mama sakin.

“Bakit?” tanong ko sa kanila. I gave them my most alluring smile. HAHA! Ganon daw kasi ang sophisticated na babae, always charming.

“Selene. Ikaw ba yan?” tanong sakin ni kuya.

I simply nodded as a response. Umupo ako sa gitna nila ni mama. “What do you think about my new look?” Tanong ko sa kanila.

“You look beautiful baby. May date ka ba kaya ganyan ang suot mo?” sabi ni mommy.

“No, Mommy.” Sagot ko at napaka-poise na nag-cross legs. “I’m changing my image.”

“Changing your image?” puno ng pagtatakang tanong ni mommy.

“You mean your changing your childish and spoiled brat image? That’s good news!” Sabi ni kuya ng may maluwang na ngiti. Tch. Honestly, mas bagay pa sa kanya yung masungit!

Mature women are always cool-tempered. Naalala kong sabi sa article kaya naman hindi ko na pinansin ang pang-aasar ni kuya.

“Honey, does this have something to do with Sol?” tanong ni mommy. Alam kasi niya na matagal na akong may crush kay Sol. And she’s supportive about that naman. Pero si kuya, errr..

“Nagpapaganda ka para kay Sol?” tanong ni kuya na halata namang nayayamot.

“Of course not.” I answered as calmly as possible.

“Then what do you think you’re doing?”

“Nabasa ko kasi sa article dun sa campus paper natin na mahilig daw si Sol sa mature and sophisticated women, pati na rin sa marunong magluto at—“

“That’s crazy!” sigaw ni kuya. “How many times do I have to tell you? Tigilan mo na yang Sol na yan. Wala kang mapapala sa kanya.”

“Pero kuya—“ I stopped. Nagsisimula na naman akong mag-whine. Sabi nga pala sa article na hindi dapat pa-baby ang pagsasalita ko. Dapat may pagka-seductive at hindi pa-sweet. Ultimo movement ng lips, way ng pagtawa’t pagngiti ay dapat may poise. “I mean kuya, wala ka bang tiwala na magugustuhan ako ni Sol?”

“Wala. Pero hindi dahil sa hindi ka attractive. Hindi lang talaga ikaw yung tipo niyang babae.” Nakasimangot na sagot ni kuya. Grabe ha! Napaka-encouraging niya! =_=

“Kaya ko nga binabago ang image ko e.” Ayan tuloy, nawalan na ng poise yung pagsasalita ko. T_T

“When are you gonna grow up Selene?”

“Hey, stop it you two.” Awat samin ni mommy. Binalingan niya ako. “Tara baby. Tuturuan na lang kitang magluto.”

Napangiti ako. Yayy!! Tuturuan ako ni mommy. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya at sinabing, “Thank you Mom!!”

“Ma, ayan na naman kayo. Kaya nawiwili yang si baby nyo e.” Sabat na naman ni kuya. At diniin pa talaga sa baby ah!

“There’s nothing wrong with this Renz. And besides, your sister is already seventeen. She needs to learn how to cook.”

“Iyun na nga e. She’s seventeen pero bine-baby niyo pa rin.”

Dumila na lang ako kay kuya. “Bleh! Inggit ka lang e!” :P

Tumawa naman siya. “There goes the sophisticated and mature woman!”

Nakagat ko ang labi ko. Oo nga pala. Hindi nandidila ang mature and sophisticated woman. Tch.

o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o

“What’s with your look?”

Pambungad sakin ni Pol ng bumaba ako mula sa kwarto. Wew. Nandito na pala tong ewan na to. Ang aga ata?

“Anong ginagawa mo dyan?” hindi ko na pinansin tanong niya.

He smiled. “Guitar lesson.”

“As in now na?”

“Yep.” As in with pop sound pa.

“Tch. Bat di ka nagsabi?”

“Hindi mo naman po kasi binigay sakin yung number mo e.”

“E? Kahit na. Sana pinasabi mo man lang kay kuya. Anyways, I’m not free today. May cooking lesson ako e.” Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa harap niya at dumiretso sa kitchen.

Napaangat naman ang tingin sakin ni Mama. “Ready, baby?”

“Yes ma’am!” nagsalute pa ako kunwari. :D

“Oh. Pol, hijo. Nandito ka pala.” Tumalikod ako at nakita ko si Pol. Leshe. Anong ginagawa niya dito?

“Opo tita. Namiss ko po kasi kayo e.” Ay walangya! Pati matanda nabobola. Sa sobrang bolero niya, natuwa si Mommy at niyakap siya.

“Stay here. Magluluto kami ni Selene e. Tamang-tama kailangan namin ng taga-tikim.”

“Syempre tita. I would be glad to taste your food.”

Syempre, libreng pagkain din yun =_=

So, nagstart na nga ang cooking lessons namin ni Mommy tapos yung mokong naman nanunuod lang. Minsan nakikitulong sa paghahanda ng ingredients.

Ang unang dish na itinuro sakin ni Mommy, carbonara. Yayy!! :)

So, inuna naming gawin ni Mommy yung sauce. Ininit namin sa kaldero yung oil. Tapos nilagyan namin ng pancetta at garli yung iniinit na oil. Sabi ni mommy, hintayin daw na maging crispy yung itsura nung pancetta sa iniinit namin. So, hinalo-halo muna ni mommy.

Pumunta ako dun sa lamesa para gawin yung next step. Sa isang bowl, pinaghalo-halo ko ang eggyolk, eggs, cream at ¾ na parmesan. At syempre, di mawawala ang mag-asawang salt and pepper. ^_^

Pahkatapos namin sa sauce,  sinunod na namin yung sa pasta at after 2 hours, natapos kami sa pagluluto. :D

“How is it?” tanong ni Mama kay Pol pagkatapos nitong sumubo mula sa masterpiece ko.

Sumimangot ang walanghiya. =_=

WAAAHHH!! HINDI BA MASARAP ANG LUTO KO? T_T

“Uhm. Wait lang po ah.” Tumayo siya tapos kumuha ng baso at uminom ng tubig mula sa dispenser. Tapos nagmumog pa! Waah! Ang sama talaga niya.

“Bakit Pol? Hindi ba masarap?” tanong ni mommy.

“Ayos lang po Tita. Hehe. Sige, una na po ako. May gagawin pa po pala ako. Thanks for the food na lang po. At dali-dali na siyang lumabas.

Nakita kong lumapit si mommy dun sa niluto ko at tinikman niya, nagningning yung mga mata niya. As in: *u*

“Baby, masarap ang gawa mo!”

“Please Mommy, wag niyo na po akong i-console.” -_-

“Pero baby, masarap talaga. Itry mo pa.”

Nilapit sakin ni Mommy yung fork tapos tinikman ko na yung gawa ko.

O_O

Masarap naman ah!! *u*

BAT GANUN YUNG REACTION NG ISANG YUN? +_+

-------------------------

[A/N: Hi guys!! Here's my update. Hope you liked it. Picture of Selene on the side. Kung may nagbabasa man po nito, please vote. comment. and be a fan po! Maraming salamat. ^_^]

How to Catch A Rockstar's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon