"Hoy tara na, dismiss na teh" wika ng mga kaibigan ni Jay na si Jolina at Elyssa. Katatapos lang ng huling subject nila at naglalabasan na ang iba nilang mga ka klase. Siya naman ay abala pa din sa pag susulat. Tinatapos niya pa ang notes na nakasulat sa board.
"Sige una na kayo, kailangan ko pa tong tapusin" sagot niya sa mga ito habang abala siya sa pagsusulat.
"sigurado ka? ikaw na lang maiiwang mag isa dito, balita namin may multo daw dito sa room natin" wika ni Jolina sabay lapit sa tenga niya na para siyang tinatakot.
"weee di nga, multo your face" sagot naman niya"
"oo nga may multo dito, tapos kaumakain daw yun ng tao" segunda naman ni Elyssa.
"hala? multo daw tapos nangangain? tanga lang"
Narinig niyang tumawa ang mga ito. Kahit kailan ay hindi talaga siya maloloko ng mga kaibigan dahil kung pagdating sa mga kalokohan ay siya na yata ang top one.
"o siya mauuna na kami friend, ingat ka pag uwi" yun lang ang sinabi ng mga ito at iniwan na siya ng mga kaibigan. Siya naman ay ipinagpatuloy na lang ang pag susulat.
Siya nga pala si Jay Cinco. Isang 3rd high school student sa isang public school sa Quezon City. Bunso siya sa apat na magkakapatid. Lahat ng mga kapatid niya ay may sarili ng mga pamilya. Silang dalawa na lang ng Mama niya ang magkasama sa buhay. Matalino si Jay, sa katunayan ay isa siya sa mga nangunguna sa klase. Pero kahit na matalino siya isa din siya minsan sa mga pasimuno ng mga kalokohan. Hindi na lingid sa kaalaman niya na isa siyang silahis o bisexual at alam yun ng mga taong nasa paligid niya. Hindi niya naman ito kinakahiya. Ang importante sa kanya ay walang siyang naapakan na tao.
Hindi nagtagal ay natapos na siya sa kanyang sinusulat. Niligpit na niya ang gamit niya at lumabas na ng classroom nila. Konti na lang ang tao sa campus. Kaya ipinasya na niyang umuwi. Habang nasa daan ay naisipan niya munang dumaan sa Seven-Eleven na malapit sa school nila. Gusto niya munang kumain. Habang naka upo sa harap ng lamesa at kumakain at sinasabayan niya ang kanta na nag pe-play sa loob ng convinient store.
"Noon akala ko, ang wagas na pag-ibig ay sa nobela lang matatagpuan at para bang kay hirap na paniwalaan" kanta niya habang ngumunguya ng pag kain. Kasalukuyang pumapailanlang ang kantang "Pangako Sayo"
"ikaw, ikaw pala ang hinihintay kung pangarap" muli niyang pagsabay sa kanta at bigla siyang napatingin sa entrance ng Seven-Eleven. Kasabay nun ay ang pag pasok ng isang lalake. Pakiramdam ni Jay ay huminto ang buong paligid niya. Napatuon lang ang tingin niya sa pumasok na lalake. Parang slow motion ang galaw ng lalake at nakaramdam siya ng kakaibang sparks.
"syete! ! ! ang gwapo" sigaw niya sa isipan.
Sa tingin niya ay masungit ang lalake. Dahil hindi man lang ito ngumingiti. Simple lang ang suot nito. Isang red polo shirt at naka maong na short. Bagay ito sa matipuno nitong pangangatawan at sa gwapo nitong mukha.
Napansin niyang palabas na ito. Kaya nagmadali din siyang lumabas at sinundan ito ng palihim. Sumakay ang lalake sa isang jeep at sumakay din siya. Sa harap mismo siya ng lalake umupo para mapag masdan ito. Hindi niya gawain ang sumunod sa isang lalake, pero sa isang ito ewan niya kung bakit.
"ang gwapo niya sobra, nakaka gigil" wika niya ulit sa lalake. Lihim pa din niya itong sinusulyapan. Biglang may pumasok na ideya sa utak niya. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone. Napatingin naman sa kanya ang lalake. Nagkunwari siyang may tumawag sa kanya para hindi siya mabuko sa gagawin niya.
"hello? ah yes papunta na ako, cge text na lang kita kung nasaan na ako" wika niya sabay kunwaring patay sa phone.
"okay Jay do the moves" wika niya sa isipan.
Nagkunwari siyang nagttxt habang nakatapat ang cellphone sa lalake. Pero ang totoo ay nasa Camera section siya ng phone niya.
"Gotcha! ! ! ! ! " wika niya sa isipan sabay pindot ng camera button.
Pero laking gulat niya ng biglang may tumunog kasabay nun ay ang pag flash ng camera sa cellphone niya. . . . .
Hindi siya naka imik.
Hindi siya naka galaw.
Hinihintay niya ang susunod na mangyayari.
Lahat ng mga pasahero ay napatingin sa kanya. Ang lalake naman ay nakasalubong ang kilay na naka titig sa kanya. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng dugo.
"What are you doing?" seryosong tanung ng lalake sa kanya.
"Ha? Sino Ako? Nasaan Ako? Sino Kayo? Anung ginagawa ko dito" nag pretend siyang baliw sa harap ng mga pasahero. Wala pa ding mga imik ang mga ito. Nahihiya na siya sa pinag gagagawa niya.
"Para po. . . . ." buti naman at hininto ng driver ang jeep.
Dali-dali siyang bumaba para maka-alis na sa eksenang ginawa niya. Hindi niya talaga lubos maisip kung bakit niya ginawa ang bagay na yun.
"Jay nakakahiya ka, ang tanga mo, bakit may flash ung camera mo, may sounds pa talaga, shuta ka, bayota ka" wika niya sa sarili habang naglalakad palayo. . . . . .
BINABASA MO ANG
~~~Kidnapped Me My Love~~~
RomanceNaranasan mo na bang mag mahal ng palihim sayong matalik na kaibigan. Naranasan mo na bang umibig sa isang taong hindi mo kilala. Paano kung pareho silang mahalaga sayo. Sinong pipiliin mo? Si Bestfriend? Or Si Stranger? Paano kung bigla kang ipa-ki...