Flashback

47 1 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo Kyle? Nababaliw  ka na! Pwede ba...  pakawalan mo ako rito." Nagdurugo na ang mga kamay ni Lanie dahil sa pagpupumilit na makawala sa pagkakagapos ng kaniyang mga kamay at paa.

"Lahat ginawa ko Lanie! Lahat ginawa ko para manatili ang relasyon natin. Ano pa bang kulang? Ha? Sabihin mo ano pa bang kulang?! Bakit bigla mo na lang naisipang makipaghiwalay?"

"Hindi na kita mahal! Hindi na kita mahal Kyle. 'Yan ang totoong dahilan. Kaya pwede ba? Hayaan mo na lang ako!"

"Pero nangako tayo! Nangako tayo sa isa't isa. Hindi mo ako pwedeng hiwalayan!"

"Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Please! Nagmamakaawa ako." Umiiyak na sabi ng dalaga.

"Mahal kita Lanie."

"Mahal mo lang ang sarili mo! Dahil kung talagang mahal mo ako... magpaparaya ka at hahayaan mo akong maging masaya!"

"Hindi mo ako pwedeng hiwalayan! Hindi!"

"At bakit hindi?!"

"Dahil mamamatay ka!"

"Anong---

"Mamamatay ka kapag nakipaghiwalay ka!"

"Ano bang sinasabi mo? Bakit? Papatayin mo ako?! Napakasama mo! Napakamakasarili mo!"

"Hindi mo ako naiintindihan!"

"Then go direct to the point! Wag yung marami ka pang paliguy-ligoy! Ang hirap kasi sa'yo... ang dami mong inililihim."

"Nakikiusap ako sa'yo Lanie, kailangan mo akong mahalin habang buhay dahil kung hindi---

"Kung hindi ay ano?"

"Kung hindi ay papatayin ka niya!"

"Sinong siya? May kasabwat ka pa? Ang sasama ninyo! Mga mamamatay-tao!"

Blaaaaaaag... Halos masira ang mga bisagra ng pinto sa lakas ng pagkakasipa ni Andrew.

Si Andrew ay kababata ni Lanie. Isang matipunong lalake na matagal nang nahuhumaling sa kaniya.

"Kyle! Anong ginagawa mo?! Pakawalan mo si Lanie ngayon din!" Batid ni Kyle na susugurin siya ng binata ngunit hindi niya na nagawang makaposisyon ng maayos upang salagin ang kung anumang gagawin sa kaniya nito.

Blaaaaag... Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Kyle na naging dahilan upang mapatumba siya sa sahig. Ramdam niya ang init ng kaniyang mukha at ang pulang likidong tumutulo sa lapag.

"Lanie, tara na... Umalis na tayo rito. Tumawag tayo ng pulis."

"A..andrew, salamat at dumating ka... Papatayin niya ako."

"Alam mo namang hinding hindi kita pababayaan. At hindi ko hahayaan ang kahit sino na saktan ka kahit pa 'yang tarantado mong boyfriend!"

"Pero paano mo nalamang nandito kami sa lumang bodegang ito?"

"Hindi na 'yun mahalaga... Ang importante ay ligtas ka na." Pinutol ni Andrew ang lubid na nakagapos sa mga kamay at paa ng dalaga gamit ang dala-dala niyang gantsilyo.

"Wag! Wag mo siyang papakawalan. Hindi mo siya pwedeng kunin!" Nahihirapan si Kyle ngunit pinipilit niya pa ring tumayo. Nang akmang makakatayo na siya ay isang malakas na sipa ang sumalubong sa kaniyang ulo mula kay Andrew.

"Tama na Kyle! Hindi ka nararapat kay Lanie. Masama kang tao. Dapat sa'yo ay mamatay!!!" Muli niyang inilabas ang talim ng kaniyang gantsilyo at akmang sasaksakin ang nakahilatang si Kyle.

"Wag! Hayaan mo na siya Andrew. Wag mo siyang patayin. Isumbong na lang natin siya sa  mga pulis at umalis na tayo rito."

"Hmp! Pasalamat ka Kyle at pinili ng mahal ko na mabuhay ka pa." Sabay dura sa sahig.

"Igagapos ko na lang siya Lanie para di siya makawala." At iginapos nga siya nito na nakalagay sa likod ang mga kamay. Iginapos din ang kaniyang paa ng mahigpit.

Pagkatapos nito'y nagpasya na silang lisanin ang lugar na iyon ng biglang...

"Saan kayo pupunta?" Isang napakalaking boses ang dumagundong sa buong palibot ng bodega. Isang tinig ng lalake na may tinig na gaya ng sa isang demonyo.

Napatigil ang dalawa sa paglabas ng gusaling iyon at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig.

"Lanie..." Napakahina ng sigaw ni Khel at halos ay walang marinig mula sa kaniya.

"Sino ka?" Sigaw ni Lanie.

"SIno ka? Magpakita ka! Harapin mo ako! Hindi mo magagawang saktan ang mahal ko!" Dagdag pa ni Andrew.

"Napakatapang mo para hamunin ako. Hahahaha!" Nakakatakot ang tinig nito.

"Narito ako sa harap mo!" Sa isang kisap mata, isang nilalang na walang mukha ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ni Andrew.

Hindi pa man nakakagalaw ang binata ay hinawakan siya sa mukha ng isang hindi mawaring nilalang. Gamit lamang ang isang kamay na may matatalim na kuko ay dinurog niya ang mukha ng binata. Nagtalsikan ang dugo, mga laman, at utak nito.

"Oooops! Napalakas yata ang paghawak ko sa mukha mo. Ikaw kasi ehh. Madaldal ka masyado. Parang hindi ka lalake. Hahahahaha!" Humalakhak ng malakas ang nilalang at lumingon sa kinatatayuan ni Lanie. Ang dalaga ay naninigas sa kinatatayuan. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Gusto niyang tumakbo ngunit alam niyang walang magagawa ito at hindi siya makakatakas.

"Ikaw si Lanie, hindi ba? Sayang at hindi ka nakinig kay Kyle. Hindi ka rin tumupad sa pangako niyo. Nakakalungkot naman. Kasi nalalapit na ang malagim mong kamatayan." Malambing ang tinig ng nilalang na wari mo'y nang-aasar.

"Wag, wag si Lanie, hindi siya makikipaghiwalay sa'kin. Hindi! Kaya wag mo siyang papatayin!"

"Wag mong linlangin ang sarili mo. Alam mo namang kanina pa ako nakikinig sa usapan niyo bago pa man dumating ang asungot na lalakeng 'yun."

"Hindi ba't gusto mo nang makipaghiwalay sa kaniya, Lanie?" Tanong ng nilalang.

"Ha? Ahh..ehh.. hindi... hin---

"Sinungaling!!!" Hindi pa man tapos magsalita si Lanie, walang anu-ano'y dinukot ng nilalang ang kaniyang puso gamit ang mga matatalim na kuko nito. Sa kamay ng nilalang, makikitang tumitibok pa ang puso ni Lanie bago nito tuluyang durugin.

"Waaaaaaaag!!!!" Napasigaw si Kyle ng sobrang lakas sa ginawa ng nilalang sa kaniyang kasintahan. Nabuhos ang walang salang dugo sa sahig at umagos hanggang sa kinaroroonan ng nakagapos na binata.

"Hahahahaha!!! Sana yung susunod na mamahalin mo... maging tapat na siya sa'yo" Malambing na may pang-aasar muli ang naging tinig ng nilalang.

Kinalag nito ang gapos ni Kyle at hinawakan ang balikat nito . Umusok ang parteng hinawakan nito at pagkatanggal ng kamay ay isang pangalan ang permanenteng umukit sa balikat ng binata. "Lanie"

Pagdaka'y naglahong bigla ang nilalang at naiwang nakahandusay ang hinang-hina na si Kyle.

Pwedeng mahalin... bawal iwanan. Kapag naging tayo... dapat hanggang dulo. That's the rule. Walang iwanan, walang bibitiw. And once you beak the rule, you'll die brutally in front of me. Ang halimaw na iyon! Kukunin niya ang sinumang magmahal tapos iwanan ako. Ayoko na! Ayoko nang magmahal ulit. Ayoko nang may madamay pa na iba. Dahil ito... ito ang sumpa sa akin. Ito ang aking kapalaran. Ako si  Kyle. Simula ngayon... bawal na akong mahalin!

Sa sobrang pagod ay nakatulog si Kyle.

Keep Loving Me, Or Else, You'll DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon