Kyle's POV
Kyyyyyyyyyyle! Saglit lang. Ang tinig na iyon. Sounds familiar.
Pauwi na sana ako nang marinig ko ang sigaw mula sa di-kalayuan.
Caleigh Pabulong kong sambit.
Kyle! Ngumiti akong pakunwari habang nararamdaman kong may kung anong panganib ang parating... Nang biglang...
🎶 plooook
Arayyy! Bakit mo naman ako kinutusan?
Ang ayoko sa lahat... yung hindi marunong tumupad sa usapan! Tara sumunod ka sa akin. Harapin mo ang parusa mo!
Pambihira naman ohh! Mahina kong usal.
May sinasabi ka ba?
Ahh... ehh... w..wala. Pakunwari pa rin ang aking ngiti.
*****************
Caleigh's POV
Saan ka pupunta kanina? Diba may usapan tayo
..usapan? Anong usapan?
Ehh kung kutusan kaya kita? Diba sabi ko magkita tayo at ilibre mo ako? Tinaasan ko ang aking kilay.
S..sorry... Kasi... nakalimutan ko ehh. Hehe. Nakangisi niyang sabi.
Hay naku! Oh ito ang order ko. Isang milkshake, Coffee jelly large, saka vanila cake. Saka nga pala fries.
Ha?! Ang dami nam---
May angal ka? May usapan tayo di'ba? Pagtataas ko ng boses.
>>>Ako nga pala si Caleigh. Hindi naman sa masungit ako. Gumawa talaga ako ng paraan para makausap 'tong si Kyle. Isang linggo na kasi mula nang magsimula ang klase namin pero hindi ko pa siya nakitang ngumiti o nakipag-usap man lang sa kahit na sino. Madalas pang matulog sa klase. Ako naman ay aktibo. Hindi ko pinapalagpas ang bawat salitang itinuturo ng mga professor namin. Sa tingin ko may problema siya at kung anuman 'yun, gusto ko siyang tulungan. Hindi ko alam pero sa dami-rami ng manliligaw ko dito sa school, this guy, this weird guy, i want to know him, and even want him to be my friend.
Ma'am, Sir, here's your order. Have a great day. Pagbati ng waiter.
Thanks. I smiled.
Kyle. May tanong ako.
Ano yun?
Taga saan ka?
Taga Southville.
Southville?!!! Di'ba exclusive subdivision 'yon? Naku, anak ka ba ng Mayor? O ng isang abogado? O ng isang kilalang pamilya? Balita ko, hindi basta basta nakakapasok ang ordinaryong tao roon. Naku, sorry sa mga inasal ko kanina. Hindi ko naman alam na---
Bagong lipat lang kami doon. Hindi kami sikat na pamilya.
Pero di'ba? Mamahalin ang mga bahay doon? Ibig bang sabihin, mayaman---
Caleigh, Enough. I destined not to talk to anyone. Excuse me, but I have to go.
Ang lalakeng iyon. Anong... meron sa kan'ya? Kyle. You're giving me curiosity. Always.
*****************
Kyle's POV
Ma, nandito na po ako. Pabalagbag kong inihagis ang mabigat kong bag sa dami ng