Kyle's POV
"There are three types of triangle. The right, oblique and obtuse triangle. Again, the right triangle measures--- Mr. Lazera! Excuse me Mr. Lazera! Please stand up!"
Sa kalagitnaan ng aking panaginip ay nauulinigan ko ang tawanan ng aking mga kamag-aral at ang nagngangalit na tinig ng aming guro.
"Mr. Lazera!"
"Mm.. Ma'am. Yes Ma'am? Sorry I fell asleep." Sumakit ang ulo ko sa biglaang pagtayo mula sa aking pagkakatulog.
"It's ok. Just make sure na masasagot mo ang itatanong ko! So, as I said earlier, give me the area of triangle according to Heron's formula."
Ano raw? naku lagot! Wala akong kaalam-alam. Sa isip-isip ko.
"Ma'am sorry, I don't---
" S is equals to A + B + C over 2" Isang tinig ng babaeng bumubulong mula sa aking likuran.
"Come again Mr. Lazera! Are you saying something?"
" S is equals to A + B + C over 2 " Muli kong narinig ang mahinang bulong.
"Ma'am, according to Heron's formula, the area of triangle is S is equals to A + B + C over 2. "
"Hmmmmm... Sit down. Please avoid sleeping during my class again."
"Swear Ms. Lacerna. Sorry again." Dahan-dahan akong umupo at lumingon sa aking likuran upang alamin kung sino ang babaeng sumagip sa akin sa kahihiyan. She just smiled at me and whispered.
"Wag ka mag-thank you. Ilibre mo na lang ako mamaya." She smiled again.
"By the way, I'm Caleigh. And you?" Tanong nito.
Mga ilang segundo ang itinagal ng pagdadalawang-isip ko kung sasabihin ko ba ang pangalan ko.
"Hmm... Kyle."
"Ohh! Nice name Kyle! Nice meeting you. So, let's meet later, may usapan ba tayo?"
"A...anong ibig mong sabihin?"
"Kung payag ka ba. So, may usapan ba tayo?"
"Aahhmm kasi---
"Okay class, dismiss. See you on Thursday."
"Yes Ma'am." My classmates shouted.