Welcome again, mga dudes! Matagal-tagal din akong nawala. Actually, hindi naman ako nawala. Nagpahinga lang. Madalas ko namang kinakausap ang sarili ko kung nawawala ba ko? Hindi naman daw at wag ko na raw subukan pang hanapin ang sarili ko dahil sa malamang pag hinanap ko ang sarili ko ay sigurado naman daw na sa mga inuman o massage parlors lang ay makikita ko na agad ang sarili ko.
Hindi naman sa nawala talaga ko. Hindi lang talaga nailabas ang mga books ko dahil sa ang naging priority ng publisher ko ay ang mga tinatawag na mga Wattpad books. So ngayon na medyo nagsasawa na ang mga bumibili ng mga ganyang klaseng books ay nabigyan na ulit ako ng chance para magkwento ng inyong mga paboriting kwento na wala naman talagang kwenta.
Ewan ko ba dun sa ibang mga matatalino na sinasabing walang saysay raw ang mga books ko. Eh ako na nga ang nagsasabing walang kwenta at walang saysay ang mga ginagawa ko! Wag niyo akong pangunahan. Wag niyo sabihing panitikan o literatura ang mga gawa ko, dahil hindi naman talaga. Aminado ko na hindi ako magaling magsulat. Gusto ko lang maaliw kayong lahat at walang makakapigil sa akin!
So tuloy ko lang yung mga kwento ko na nabitin dati. Medyo past tense na ito lahat pero sana ay makahabol tayo sa present tense. Mas masarap kasing magkwento yung sa kasalukuyan. Madaming palpak at nakakakuha pa ko sa inyo ng mga advice kung ano ang gagawin ko sa hindi ko maipaliwanag na direction ng buhay ko. So yun konting background lang ng aking naging lovelife na sa malamang ay nabasa niyo na.
Sa susunod na book, tuloy na ang mga kwento! Promise!