HAPPILY EVER AFTER (SHORT STORY)

32 0 2
                                    

a/n this is my first time to publish a story here on wattpad ^_^ so please bear with me hahah please give some comments and suggestion if ever meron kayo :) enjoy reading! ~

PROLOGUE

                “… and so together, with peace and harmony, they all lived happily ever after.”

                Minsan na ba nating naisip na paano kaya kung isang mala fairytale romance and dumating sa buhay natin: isang Prince Charming na handa kang ipagtanggol, ipaglaban at mahalin higit pa sa sariling buhay nya. Isang Prince Charming na hindi lang gwapo, matipuno at kagalanggalang kundi marunong din rumespeto sa akin at sa iba. Isang Prince Charming na nasa kanya na ang lahat, ika nga. Too good to be true? Well, yan ang naranasan ko sa piling ni Tristan.

                Ako si Myca, at ito ang aking istorya.

                “Naku naman, nagkakagulo na yung mga neuron ko sa brain sa mga tinuturo ni ma’am!”

 

                “Sakin nga nagrarally na sikmura ko sa sobrang gutom, di pa rin tapos yan.”

               

                Math. Hate na hate ko ang math. Sino ba namang gugustohing hanapin ang value ng x at y gamit ang mga formula na mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel? Wala nga lang akong magawa dahil kailangan kong magka-grade or else, di naman ako makakagraduate.

                Di naman sa grade nasusukat ang kakayahan ng isang tao eh. Pero minsan talaga mas mahalaga pa ito kesa sa buhay natin dahil ito ang nagtatakda ng kapalaran natin sa hinaharap.

                Kapalaran.

                Destiny, ika nga. Naniniwala ako sa destiny, naniniwala ako na lahat ng tao may kanya-kanyang papel sa buhay. Papel na tayo lang ang makakagawa. Papel na …

                “Okay, class. Get one whole sheet of pad paper. Number it from one to ten.”

                Papel na sa kasalukuyan ay wala ako.

                Patay! Surprise quiz nanaman. Sobra akong nasurprise! Di ako nakikinig -_-

                “Claire! Penge akong papel. Saka pakopya na rin *big smiling face*”

                “Wag ka maingay, baka may manghingi pang iba!”

                “Salamat, friend! The best ka talaga!”

 

                Buti nalang talaga at nakikinig ‘tong si Claire, kung hindi, wala nanaman akong masasagot sa quiz. Pero at least, yung iba alam kong sagutan at nakakuha pa ako ng 7 out of 10, oha!

                “Ano nanaman bang iniisip mo kanina, at parang tulala ka? Buti nalang kamo at nakaupo lang yang si ma’am habang nagbibigay ng quiz,” sabi ni Claire.

                “Random thoughts. Iniisip ko kung pano nagging bilog ang mundo.”

                “Di ba dahil kay Tristan, ha? Tell me, kayo na ba?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAPPILY EVER AFTER (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon