Ito ay kathang isip lang. Project ng pamangkin ko at naisipan kong i-post dito sa wattpad. Sariling gawa ko ito kaya kung may pagkakahalintulad sa totoong buhay labas na ko roon.
MGA TAUHAN:
GERALD SANTOS- the nerd student; naniniwala sa pamahiin
EZEKIEL RIVERA - mayabang sa grupo
VINCENT LEGAZPI- the joker
KATE TORREZ- magandang maarte; mahilig magpaganda
ANDREW PEREZ -a gadget geek
AIMEE SALAZAR-mabait at matalinong manang sa grupo
VALERIE SAW- mahina at mahiyain
***
Isang lunes ng umaga sa St. Paul National High School, habang nagkaklase ang 4th year high school, nagpasa ng note si Ezekiel kay Vincent, pagkatapos n'yang mabasa ang note, pasimple ring ipinasa n'ya kay Andrew ang note at pagkatapos ipinasa ito kay Kate. Nakita ni Aimee at pasimpleng nakisilip na rin. Nasa likod si Valerie kaya pailalim nilang ipinasa ang note rito. Biglang natigil ang pagtuturo ng guro ng pumasok si Gerald na hinihingal pa.
"Mr. Santos your late."
"I'm sorry Ma'am," at nakayukong pumuwesto ito sa tabi ni Valerie. Pagkaupong-pagkaupo n'ya pasimpleng inilapag ni Valerie ang note. Binasa ito ni Gerald at tumango. Nakinig sila sa guro at iisa lang ang pupuntahan pagkatapos ng klase.
***
Eksaktong alas nuebe ng gabi sa tambayan ng grupo. As usual late na naman si Gerald. Nakatulog na nga si Aimee sa tagal nitong dumating. Naggising siya nang marinig n'yang sumigaw si Kate.
"OMG Gerald don't say bad things in this wee evening," at mabilis na inilabas ang salamin at nagsuklay.
"Andyan ka na pala Gerald. Anong wee evening ang pinagsasabi mo Kate? Maaga pa na naman. Oh..." nakita n'yang 11pm na ng gabi. Ganoon s'ya kahabang nakatulog? Bakit parang pakiramdam n'ya nakaidlip lang sya?
"Oo, alas onse na ng gabi kaya umuwi na tayo bukas na lang tayo magreview. Next monday pa naman 'yong exam," ani Ezekiel at nagligpit na ng gamit.
"Ewan ko ba sa 'yo, ikaw lang ang excited na magreview, papasa-pasa ka pa ng note. Tinulugan lang naman tayo ni Aimee," natatawang sabi ni Vincent.
"Bakit kasi hindi nyo ko ginising?" nakasunod si Aimee sa likuran ni Andrew habang palabas sila ng abandonadong bahay na iyon. Okay lang naman kahit ma-late sila ng uwi, nasa isang subdivision lang sila at ang tambayan nila ay nasa dulo ng subdivisiong iyon, balita nila nasunog daw ang naturang bahay at malas daw pagpinaayos ang nasunog na, kaya pinabayaan na lang ng may ari.
"Ouch, ano ba Andrew," bigla kasing nabangga si Aimee sa likod ni Andrew dahil biglang tumigil ito sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ganti ng Pamahiin - one shot
Misteri / ThrillerSusubukan mo rin bang sumuway o maniwala sa pamahiin? © jhavril All rights reserved 2014 September 14, 2014