Kabanata 2

566 39 13
                                    

Crush

"Aray, ang sakit ng ulo ko!" Napasigaw ako ng bumangon ako sa kama. Hindi ko masyado maalala kung ano ang nangyari kanina. Dahan-dahan akong bumaba sa kama ng makita ko ang basag na picture frame.

"Totoo nga pala ang nakita ko kanina, hindi pala yun panaginip," sabi ko sa aking sarili.

"Buti at gising ka na, kanina pa kita hinihintay," sabi ng isang boses.

"A-alistair ikaw ba yan? Please wag mo akong patayin!" sigaw ko.

"Can you please shut up? Lumabas ka na sa kwarto ko, trespassing ka."

"Hoy, diba dapat nasa langit ka na? Ba't ka pa nandito? Di ka natanggap ni San Pedro?" inirapan ko siya.

"Ba't pa ako pupunta sa langit eh may anghel na dito?" he smirked.

I can feel myself blushing. Hindi 'to pwede Ellyze! Tapangan mo sarili mo, multo yan!

"Patay ka ba talaga? O baka prank lang 'to."

"Oo, patay na ako. Patay na patay sayo," he winked at me.

Ang laki ng ngiti neto, parang aso. Kala mo naman kung sinong gwapo eh patay naman.

Bababa na sana ako sa kama ng muntik kong matapakan ang sirang picture frame.

"Tawagin mo si Yaya para mailigpit 'yan," wika ni Alistair.

"Huwag na, kaya ko naman itong walisan. Baka tulog na sila," I replied.

"Tsk, ikaw bahala." Inirapan niya ako.

Lumabas muna ako sa kuwarto at kumuha ng walis. Pagbalik ko sa kuwarto, wala na si Alistair.

"Buti at wala na yung gagong yun. Wala atang magawa, hindi mapakali sa kabaong."

I cleaned the room a bit and finally fixed my bed. I sat on the bed while reading a book entitled "The Satanic Verses".

A line from the book struck me. It said,"Now I know what a ghost is. Unfinished business, that's what."

"Huh, ito ba ang rason kung bakit narito ka pa Alistair? Unfinished business?" I said to myself.

I placed the book aside and turned off the lamp. I snuck under the covers and started to close my eyes. I was about to sleep when I heard a voice.

"You know, I never thought things would turn out like this," a gentle voice said.

I pretended to be asleep so I can hear more.

"I won't call it fate just yet, but I'm very glad I got to see you again. I guess having a lingering regret was worth it," he continued.

I'm pretty sure this is Alistair, but I can't say just yet. Malay ko ba kung ilang multo ang nasa bahay na 'to.

"Goodnight, Ellyze." the voice said before becoming a distant echo.

How did he know my name? Hindi ko naman sinabi sa kaniya kanina ah.

"Oh well, I'll try to ask him tomorrow," I said to myself before I shut my eyes.

AfterlifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon