Nerdy Glasses 15

1.8K 90 3
                                    


Nerdy Glasses 15


Hinde nagiba ang pakikitungo sa akin ni Joshua at sa mga sumunod na araw ay nalaman kong may laban siya sa kabilang school kaya napilit ako nitong isama. Hinde ko alam na imblis na isama niya ang barkada niya ay ako pa ang napili niyang sumama sa kanya sa laban niya. ang matinde pa roon ay ipnaalam niya pa ako sa mga instructors ko sa araw na ito.


Hinde dapat ako pumayag pero wala na akong magagawa dahil ginawa niya na ang lahat para masamahan ko siya sa lugar na iyon. Buti na lang naiurong ang rehearsal namen sa linggo para masamahan ko itong damuhong ito.


" bakit kasi ako pa napili mong samahan ka papunta dito ? " pagtatanong ko, dapat kasi ngayong araw ay nag rereview na ako sa I rerehearse kong kanta dahil mag papractice daw kameng lahat pero nakiusap si Joshua kay Luke para samahan ko siya, lumuhod pa talaga kanina para maawa si luke.


Hinde rin naman kasi ako payag pero wala na akong magagawa dahil naisama na ako, halos wala na akong masabe sa mga nangyari kanina kaya nadala na lang ata ako ng momentum.


" basta .. hinde kasi pwede yung tatlo .. meron din silang pupuntahan .." paliwanag nito, wala talaga pala siyang kasama kung ganon ?


Hawak parin niya ang kanan kong kamay habang minamadali nameng binabagtas yung daan papunta doon sa pag-gaganapan ng event.


Hanggang sa nakarating nga kame sa swimming pool ng paaralan, marameng audience na ngayoy nag iingay sa loob habang yung mga kalahok sa gilid ay nag stretching na at naghahanda na para lumangoy.


" dito ka lang .." sabi niya sabay bigay sa akin nung damet niya, kaagad niyang kinuha yung swimming trunks niya sa bag at umalis na patungo sa locker room.


Kaagad akong pinagpawisan dahil marame ang nakatingin sa akin sa kinapupwestuhan ko. lumapit yung ibang kalahok sa swimming pool na magiging kalaban niya ata mamaya.


" wow .. ikaw ba ang kasama nung dela vegang yun .. kala ko babae ang dinala niya yun pala isang bakla .." sabi nung isang kontestant, kaagad akong pinamulahanan sa sinabe nung lalaki. hinde ako sanay na binabastos ako sa ganitong itsura ko. sanay kasi ako na binabastos ako pag naka costume na ako. masyado lang atang homophobe ang lalaking ito.


" Oo nga .. pero kalalaking tao niya mukha siyang babae .. pero gwapo rin naman .." sabat nung isang swimmer na mukhang pinagkaitan ng mukha dahil ang panget niya.


" sayang tung baklang ito .. gwapo sana kung hinde naging bakla .." sabi naman nung isa, gwapo nga ito pero ang sama ng ugali. Lumapit ito at bigla na lang niyang inilapit sa akin yung mukha niya. nagulat ako nang gawin niya yung eksenang yun, hanggang sa nagsalita siya.


" siguro .. natikman mo na si dela vega ? masarap ba ? kung ako sayo ako ang kainin mo .." nanunuksong sabi nito, sa puntong sinabe niya yung katagang iyon ay parang nawala ang pamumula sa mukha ko. nawala yung pagkahiya ko at tinitigan ko siya ng walang emosyon.


" tapos ka na ? " sagot ko sa kanya, tumitig din siya sa akin na para bang nakikipaglaban sa akin ng titigan pero sa tingin ko ay wala siyang panama sa akin.

Behind of Those Nerdy GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon