Panliligaw

10 0 0
                                    

May nabasa ako sa isang page sa facebook about sa panliligaw. Ang sabi niya, sinasabihan siya ng kaibigan niya na ang choosy niya porket ayaw niyang sagutin yung nanliligaw sa kanya. Nagfifeeling maganda raw.

So I saw comments na nagsabing dapat daw di na lang pinayagang manligaw in the first place. Napaisip ako roon.

As a girl, gusto ko yung pinag- eeffortan ako. Gusto kog maranasang ligawan. Gusto ko yung worth it talaga kasi inalagaan nga ako nang husto ng mga magulang ko tapos masasaktan lang ako dahil sa isang lalaki? Hindi pwede yun. Magandang magkaroon ng mataas na standards para sa ideal man kasi yun yung protection natin from the guys na magtatangkang manakit satin. Kaso ideal nga lang di ba?

Para kasi sa akin, ang panliligaw dapat bukal sa loob. May mga oras kasing nanunumbat ang lalaki dahil nagbigay siya ng regalo sa babae kesyo gumastos para sa nililigawan tapos binasted.

Eto lang yan eh. For the boys, hindi naman namin hiniling na ligawan niyo kami. Kayo ang nangulit. Kayo ang nanghingi ng permiso. May mga times pa nga na hindi na nagpapaalam eh. Hindi naman kami madamot sa chance kaso pag nireject kayo, face it. Huwag kayong nagpaparinig o kaya manunumbat kasi nasa ligaw stage pa lang kayo. Pag nanligaw, there is a high risk of being rejected. Don't act like if we allowed you to court us, tayo na agad. And before I forget, there is this misconception na kapag pasado na sa ligaw stage at kayo na, tapos na ang panliligaw. If you worked hard to court her and received her sweet yes, be sure to court her harder when you're in the relationship.

Lahat naman kasi tayo nagbabaka- sakali lang na mahanap na natin yung the one kaya ka nanligaw at kaya kami pumayag na ligawan. But maybe, the efforts just wasn't good enough because we don't settle for less. Maybe, we're looking for someone not you. Maybe, we just really felt nothing.

Credits sa picture. It is not mine. I just got it from google.

Source of picture: https://www.familiesforlife.sg/discover-an-article/Pages/Courting-Your-Spouse.aspx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thoughts and QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon