"Ate wake up. Come on, it's late na po and I'm so bored na, ate." sabay yakap nito sa akin.
"Hmm. Fine, fine. Gigising na po si ate, bunso. Have you already eaten breakfast, sunshine?" I asked her as I kissed both of her eyes matapos kong kusutin ang aking mga mata.
"Not yet po. I want to eat with you, ate. Mom and Dad are not around. Wala po ako kasabay mag-eat." she answered cutely.
Oh. Hindi na ako magugulat na wala sila Mom and Dad. Lagi naman silang focused sa negosyo nila. Kulang na nga lang ay doon na sila sa company matulog. Mas magugulat pa siguro ako kung nandito sila at sasabay sa amin kumain. At saka isa pa, nakalimutan kong hindi naman nga pala nila ako gustong nakakasabay sa pagkain simula ng nangyari yun.
"Okay. I will just take a shower tapos sasabayan kitang kumain, alright? Go, play ka muna dito sa kwarto ko and wait for me. Or you could just use my phone and watch our favorite cartoon there. What do you think?"
"I'll watch Peter Pan and Wendy, ate!" she exclaimed happily.
"You love Peter Pan so much, huh." pang-aasar ko rito.
"Yes, yes!" she jumped out of my bed and went to my study table to get my phone.
"I'll go take a shower now, sunshine. Behave, okay?" she nodded.
After I've taken a bath, I went back to my sister to check out on her. Guess she's so hungry by now.
"Fhenelope, tapos na si ate maligo. Tara na sa kitchen, let's eat na."
No response. Masyado kasing busy kay Peter Pan. Well, ganyan din naman ako minsan. Minsan lang.
"Sunshine, baby..." lumapit na ako rito at niyayang tumayo.
"Ate Fluer, pag finish natin mag-eat watch tayo ulit ha?" she pouted.
"Opo, baby. Pero eat muna then drink mo yung vitamins mo ha?"
"Yes po, ate. I love you!" tumayo siya sa kama at hinalikan ang aking mga mata. Oh, how I love my adorable baby sister.
We went to the kitchen and ate. May nakahanda naman ng pagkain sa lamesa at naka-ready na din ang vitamins ni Fhenelope.
Ganito naman palagi. Kung wala ang mga magulang namin ay kaming dalawa lamang ng kapatid ko ang nandito sa bahay kasama si Yaya Ria. Kung hindi naman ay ako lang mag-isa ang naiiwan dahil minsan ay isinasama nila Mom at Dad si Fhenelope sa mga business trips nila. Sanayan na lang din siguro.
Namimiss ko na din si kuya. Kung bakit ba naman kasi kailangan na may mawala pa. At siya pa.
Sana, sana hindi na lang nangyari yon. Sana hindi na lang niya ako niligtas at mas pinili na lang na iligtas ang sarili niya. Edi sana masaya sila ngayon kasama siya.
"Ate!Ate!" Fhenelope shouted. Mukhang kanina pa pala ako nakatulala at hindi pa rin nagagalaw ang pagkain ko. Kung hindi pa siguro sumigaw ang kapatid ko ay tulala pa rin ako hanggang ngayon.
"Ate, why are you crying po? May sakit ka po ba, ate? Okay lang po kayo?" she asked.
What? Umiiyak ako?
Fhenelope went near me and wiped my tears. Naalala ko na naman siya. Kaya siguro hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.
"Thank you, sunshine." I told her.
"Ate, naalala mo po siya noh? Hindi ka naman po kasi sick. Don't be sad na po. Hindi po yun matutuwa pag nakita ka niya na umiiyak. Kaya dapat po smile na, ate!" Fhenelope hugged me tight as she said those.
I smiled, a little.
"Dapat happy smile! Maduga ka naman ate! Nagsmile ka lang kasi ayaw mo makita ko na you're sad. Tapos hindi ka naman talaga happy. Hmmp." she said crossing her arms. Aww, so cute.
"Uhuh. Hindi ah! Look, I'm smiling na!" ngumiti ako sabay kurot sa pisngi nito, "And that is because my baby sunshine is making me happy!" she giggled.
"Good. Bawal ang sad, magtatampo sayo si baby sunshine mo. Alright, ate?" she said looking straight into my eyes. Talaga naman. Bossy na din si Fhenelope. Syempre ayaw ko rin naman na nakikita niya akong malungkot kaya dahan dahan na rin akong tumango.
Maya-maya pa ay naisipan na rin naming pumanhik muli sa taas para ipagpatuloy ang panonood kanina. Nagdala na rin kami ng snacks para kung sakali man na magutom kami ay hindi na kami bababa para kumuha pa. Chocolate chip cookies with milk, will surely do. Pareho kasing paborito.
Nandito kami ngayon sa kwarto niya na nanonood. Ako na nakasandal sa headboard at siya na nakahiga sa lap ko. Naubos na rin namin yung cookies kanina at yung gatas.
---
Nakatulog na rin si Fhenelope. Masyado atang napagod sa mga ginawa namin. Matapos kasi naming manood ay pinaliguan ko muna siya at bumaba na ulit para magtanghalian. Kaso umalis pala si yaya Ria at nag-iwan lamang ng note na kung late man siyang makakabalik ay ako na ang bahala magluto. Wala namang problema dun. At saka isa pa, kumpleto naman ng supplies sa kusina at kaya ko naman ng magluto. Kaya ayun, tinulungan ako ni Fhenelope. Siya yung nag-aabot sa akin ng ingredients habang kinakanta naming sabay ang paborito naming kanta. Pagkatapos naman ay nagpaint kami sa may kwarto ko. Naglaro ng stuff toys ko at ng kaniya. At nagbasa ng kwento nina Peter Pan, Wendy, at ng lost boys. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit ito nakatulog agad.
Dahan dahan akong tumayo upang hindi siya magising. Maingat ko siyang
binuhat at dinala sa kwarto niya. Muntik ko na nga itong magising ng matapakan ko ang manika nitong nagsasalita.Bumalik ako sa kwarto ko at niligpit na rin ang mga kalat sa lapag. Nagpalit rin ako ng damit pantaas bago tumungo muli sa silid ni Phenelope at ligpitin ang mga laruan nito.
Inihanda ko na rin ang pagkain para mamayang hapunan para pagkagising ay kakain na lang kami. Alas singko na rin naman ng hapon.
Napag-isipan ko na rin na tumabi na lamang kay Fhenelope hanggang sa magising ito para naman hindi nga rin ako nito puntahan sa aking kwarto.
Habang papahiga ako ay may napansin ako sa ilalim ng kama ng aking kapatid at mukhang pinakatago-tago niya ito. Kinuha ko ito at tiningnan.
Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang mga nilalaman nito. Nagsimula na namang magtubig ang aking mga mata habang isa-isang bumabalik sa aking isipan ang mga masasayang ala-ala habang kasama pa namin siya. Habang buhay pa siya.
"I love you, Fluer. Mahal na mahal kita, baby." and he kissed both of my eyes.
![](https://img.wattpad.com/cover/182678105-288-k698934.jpg)
YOU ARE READING
Lost Girl
Novela JuvenilA broken soul fixed by happy ones. Would she choose to let them go for them to be finally happy or hold on to them for her to be happy?