"How far can you go for love? Kailangan ba talaga lagi na may isang magsasakripisyo? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang? Yung walang problema, walang hahadlang, at walang masasaktan? Walang maiiwan at walang mang-iiwan?
17 pa lang ako pero pakiramdam ko ang tanda ko na dahil sa dami ng mga problemang dumating at dumadating sa buhay ko.
Hindi ko alam kung isa ba akong masamang tao nung past life ko para mangyari sa akin ang mga ito. As far as I remember, wala naman akong mga ginawang masama at kasalanan ngayong nabubuhay ako.
Meron pala. Nang dahil nga pala sa akin kaya siya nawala. Nang dahil sa akin kaya nasira ko yung sarili kong pamilya. Kung bakit yung masaya at hindi mapaghiwalay na buong pamilya noon ay yung pamilyang sira na ngayon.
Hindi ko naman ginustong mangyari ito sa buhay ko. Pero kasi sabi niya, hindi niya daw ako iiwan, hindi niya daw ako pababayaan. Kasi mahal daw niya ako. Mahal niya ako.
"Baby, nasaan ka ba? Aba, sabi ko sayo sabihan mo ako kapag aalis ka diba? Hoy! Wala akong kasama dito. Naiinip ako. Tas wala din naman dito si kuya kasi may lakad daw siya. Sila mom naman sinama si Fhenelope sa business trip nila. Si yaya may sakit daw yung mama niya kaya sabi ko umuwi muna siya at alagaan yung mama niya. Tas pagsilip ko sa kwarto mo wala ka din? Nasaan ka ba, baby Fluer?" mahabang lintanya nito pagkasagot na sagot ko sa phone. I bet his even pouting now.
"Nasa bookstore lang po, my dearest knight." I answered him habang patuloy na naghahanap ng magandang librong maaaring bilhin.
"Sabi na eh." Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod at ng ipatong nito ang baba sa aking balikat.
Muntik ko na itong masuntok kung hindi ko lamang ng amoy ang pamilyar na pabango nito.
"Naman, knight ko e. Ang hilig hilig talaga ng nanggugulat. Alam naman na magugulatin ako. Muntik pa kitang masuntok." I told him annoyed."Sorry na po, baby ko." he said laughing. Hindi pa rin ito umaalis sa pagkayakap sa akin. Well, wala naman kaso sa akin ang pagyakap niya. He's always like that wherever we go.
"Nakapili ka na ba? Uwi na tayo, Fluer. Nagugutom na ako. I want to eat anything that you'll cook. Dali naaaa" mahabang saad pa nito.
"Sino nagsabi na lulutuan kita? Hmmp. Ayaw ko. Lagi mo akong ginugulat." kunwaring nagtatampo kong sabi rito.
Dumiretso ako at nilagpasan na siya para bayaran ang napili kong libro. Alam ko naman na susunod siya at pipilitin ako na lutuan siya.
"Baby! Wait!" Oh my. Napakaingay naman talaga kahit kailan.
Hindi ko na lamang ito pinansin at dire-diretso pa rin naglakad. Nang nasa counter na ako ay nakahabol na ito. Tumabi ito sa akin at pana'y ang kalabit. Nangungulit pa rin ang kumag.
"Fine, fine. I'll just pay, okay? Knight ko naman, wag makulit, please?" he then slowly nodded while biting his lips.
We went back home after paying. I decided to cook his favorite Adobong Baboy para na rin makakain na kami. I'm hungry too. Hindi din kasi ako kumain ng lunch kanina at maggagabi na rin ngayon.
"Hey. Pasabi kay yaya ako na magluluto. Magpapalit lang akong damit, kay?"
"Sige."
Nang makababa ako ay nakita ko na lamang ito na tahimik na nanonood sa sala. Nakapagpalit na rin ito ng damit.
Napagpasyahan ko na rin na damihan ang lutuin dahil paniguradong uuwi na sila kuya, mom, dad, and Fhenelope at dito na sa bahay kakain.
Inabot ako ng dalawang oras sa paghanda ng hapunan. Nakapagsaing na ako at nagbake na rin ng cookies para sana makapag movie marathon kasama ang buong pamilya. I'm sure they won't say no.
Ilalabas ko na sana ang pagkain papuntang dining area nang biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. Halos matumba na ako dahil sa pangangatog ng aking tuhod. Buti na lamang at nakasandal ako agad sa may pader.
I was shouting his name ng biglang magbukas ang mga ilaw. I was surprised when I saw my whole family smiling at me. Kuya Franz holding 15 balloons, Fhenelope holding a cake, Mom and Dad holding their gifts, and my dearest knight hugging a big panda stuffed toy. While yaya Ria is at the side holding a camera.
"Happy 15th birthday, Fluer Brystle! Surprise!" they all greeted.
Oh. What date is today? Birthday ko pala.
'Thank you' I mouthed teary-eyed.
He went near me and gave me his gift. Ginulo pa nito ang buhok ko matapos akong yakapin. He even kissed both of my eyes and said that he loves me. Inasar pa akong iiwan na daw niya ako dahil lumalaki na daw ako at kaya ko na ang sarili ko. Kinurot ko tuloy.
Nung araw na yun ang isa sa pinaka hindi ko malilimutang araw ng buhay ko. That night we ate the food I cooked. Natuloy din ang movie marathon na ako pa mismo ang nagplano. We even sleep all together sa kwarto nila mom.
Sana kagaya na lang ng dati. Yung masaya at walang mga inaalala.
Bakit ba kasi kailangan na may mawala? Sabi niya mahal niya ako at kahit ano pa man ang mangyari ay handa siyang isakripisiyo ang buhay niya. Ganun din naman ako e. Handang handa. Pero sana kasi hindi ganito kaaga, hindi yung ganito. Bakit ba kasi ako pa yung iniwan at siya pa yung nang-iwan. Nakakaasar ka naman e. Sana sinama mo na lang ako. Kasi hanggang ngayon sinisisi ko pa din yung sarili ko sa pagkawala mo.
Miss na kita. Miss na miss ko ng kasama ka.
Yung mga memories patuloy na bumabalik. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Pinupunasan ko naman pero ayaw talagang tumigil. Pinipilit ko rin na huwag humikbi ng malakas dahil baka magising si Fhenelope.
Tumakbo ako pabalik sa aking kwarto at doon umiyak. Niyakap ko si Blythe na sakanya ko ipinangalan at dito naglabas ng mga hinanakit ko.
Sana pala hindi ko na lang iyon tiningnan.
I miss you, Fyre Blythe. Miss na miss na kita kakambal ko. I miss you, my knight. So much.

YOU ARE READING
Lost Girl
Roman pour AdolescentsA broken soul fixed by happy ones. Would she choose to let them go for them to be finally happy or hold on to them for her to be happy?