Ex: Pagkabulok

5 0 0
                                    

http://ramonsilas.wordpress.com/2013/12/23/late-submission

LATE SUBMISSION
Nai-post noong Disyembre 23, 2013 ni ramonsilas

Noong nakaraang buwan, nabigyan ako ng dalawang linggong assignment para subaybayan ang sinapit ng Orcollo Family ng Pasay City - sila 'yung may-ari ng Orchid Appliances. Siyempre, hindi na sila matunog kasi noong 1974 pa 'to itinayo. (Kinapos pa ng pang-40th anniversary.)

Hindi ko na 'to sinama sa article kahit informative pa siya. Sayang lang kasi hindi na relevant. Nagtingin kasi ako ng lumang newspaper clippings galing pang '90s. Nakaipit noon sa photo album ng kompanya na nagkaroon sila ng konting "boom", siguro mga 1992 hanggang '95, dahil umuso ang digital. Kaya pati air-con, nilagyan ng LCD display. Muntik nilang kinalugi 'yun kaya naging sikat na lang sila sa mga bangketa. (Aasa kang bibili ng local ang taga-Maynila?)

Naging sikat na lang sila (ewan ko kung sumikat ulit) dahil nga sa balita nung nangyaring sunog. Masasabi kong kakaiba kasi walang politiko sa angkan nila. Pero noong binalita na namatay silang lahat, naghiyawan ang mga tao. Ang sabi ko kay Marife Samson, editor-in-chief ng chronicler.ph, pagbigyan ako kahit hanggang mid-December para makapag-revise. Long-form naman. Isa pa, maselan 'yung paksa; hirap akong hanapan ng anggulo. Paano mo namang palilitawin 'yung pagkatao nung mga biktima kung kontrabida sila nung buhay sila?

Baliw din ako kasi kapapasa ko lang ng huling draft kanina. Hindi na 'ko maghihintay kung okey na. Sa'kin mismo manggagaling: Approved 'yan. Wala nang ipapa-edit diyan. Pinaghintay ko na ng matagal eh. Maya-maya may dati traffic na 'yan. Gandang pamasko! "Mayamang Pamilya, Patay sa Sunog." Classic. Ang galing kasi madami akong natuklasan. Paano mag-imbestiga ng krimen? Ano ang kasaysayan ng baranggay? Madalas daw ang sunog. Talamak din ang droga. Kaya dikit sa buhay ng mga residente ang pagiging bayolente. Unang suspetsa nga, arsonista.

Ang punto ay kaya ko pang dumaldal tungkol sa article. Ngunit, hindi iyan ang ikukuwento ko ngayon. Bahagyang tungkol sa kung paano ko sinulat ang article, pero hindi tungkol sa paksa mismo. Tungkol ito sa kung bakit inabot ako ng hanggang 3rd week of December para magpasa. Sa di-mawaring dahilan, sa anomang binabato ng tadhana, sa lahat ng pagkakataon, nagkita kami ng dati kong nobya nitong sabay kaming nagbakasyon sa kalilindol pa lang na Bohol.

Balik tayo sa Kuwentong Sunog. November 24, usok na lang ang naabutan naming mga reporter sa crime scene kaya humingi na lang kami sa PNP ng mga detalye. Kasama ni Jun Sandejas, 'yung nakatokang photojournalist sa isusulat kong balita, nag-scout kami ng mga pwedeng interbyuhin. Akala ko nung una, balitang sakuna lang. Madali na lang tutal hinubog na 'ko ng Balitaw ('yung tabloid, hindi 'yung katutubong awit). Ang kaso nun, bakit masaya pa sila?

Hindi ko agad binukas kay Marife na may kuwento sa likod ng sunog. Isa pa, ongoing pa noon ang imbestigasyon. (Sabi ko nga, sino bang may pakialam sa Orchid Appliances?) Naglaro sa isip ko na pwede sana itong i-feature sa Human Interest section ng website.

November 28, nag-email ako kay boss. Ang dami kong satsat, akala mo resignation letter. Dinahilan ko na mapapalapit sa reader kung Tagalog ang midyum. Sa balintuna, 'yung e-mail in English. November 29, napapayag ko si Ma'am. Ang yabang ko; ikatlo na pala ako na nakapagsulat in Filipino sa Human Interest. Dito na 'ko hinainan ng deadline: December 13.

December 13 nung hinain ng mga opisyal 'yung report. Naunawaan pa kami ni Ma'am dito. Naisip rin niya siguro, may Orchid Appliances pa pala these days, imagine? Sabi ko kay Jun, "Weekend naman. Ipahinga na muna natin 'to" Tinotoo naman namin, eh makakapahinga naman ako buong linggo. Ipagpalagay na lang natin na nakapagtrabaho lang ako ulit nitong 21 (kumbaga 24 oras na magmula noong nakalapag na 'ko ng NAIA) at siyempre, kahapon ng 22.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tapos na (Deus Ex Makina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon