vii. criminal profiling #1 ; jack the ripper

973 55 13
                                    

X-FILES
CRIMINAL PROFILING
-presents-

Jack The Ripper

I'm sure you heard the name Jack the Ripper right? Sa mga fans diyan ng anime series na Detective Conan, sa movie number 6, The Phantom of Baker Street ay merong crossover sa pagitan ng fictional character na si Sherlock Holmes, at totoong indibidwal na si Jack the Ripper. Ngayon, sino nga ba ang JTR na ito?

Si Jack the Ripper ay isang kilalang mass murderer na nagpagala-gala noon malapit sa distrito ng Whitechapel (few blocks away from Baker Street), taong 1888, at dahil nga sa kanya kaya nagkaroon ng dark days noon ang London, kung saan halos wala n...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Jack the Ripper ay isang kilalang mass murderer na nagpagala-gala noon malapit sa distrito ng Whitechapel (few blocks away from Baker Street), taong 1888, at dahil nga sa kanya kaya nagkaroon ng dark days noon ang London, kung saan halos wala nang gaanong lumalabas kapag sumapit na ang gabi. Ang pangalang Jack the Ripper ay nagmula sa isang letter ng nagpapakilalang salarin sa sunud-sunod na pagpaslang, although ang sulat na 'yon ay pinagdududahan na isang hoax, mas nakilala 'yong pangalan kumpara sa Whitechapel Murderer at Leather Apron.

 Ang pangalang Jack the Ripper ay nagmula sa isang letter ng nagpapakilalang salarin sa sunud-sunod na pagpaslang, although ang sulat na 'yon ay pinagdududahan na isang hoax, mas nakilala 'yong pangalan kumpara sa Whitechapel Murderer at Leather A...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga pag-atakeng ikinakabit kay Jack the Ripper ay kadalasang mga female prostitutes na naninirahan at nagtatrabaho sa kalye ng maralita sa East End ng London

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga pag-atakeng ikinakabit kay Jack the Ripper ay kadalasang mga female prostitutes na naninirahan at nagtatrabaho sa kalye ng maralita sa East End ng London. Ang pagtanggal sa mga internal organs ng atleast 3 biktima, ay humantong sa panukala o konklusyon na ang killer ay may kaalaman sa anatomy o surgery.

The canonical five Ripper victims are Mary Ann Nichols, Annie Chapman, Elizabeth Stride, Catherine Eddowes, and Mary Jane Kelly.

Maraming suspek ang inimbestigahan noon ng London Police, pero alam niyo ba na meron ding conspiracy na isa sa mga bayani natin ay pinagdudahan ding siya si Jack the Ripper?

Siya ay walang iba kundi ang pambansang bayani ng Pilipinas, walang iba kundi si Gat Jose Rizal.

Pano nangyari 'yon?

Sa kasagsagan ng pagpatay ay kasalukuyan ding nasa London si Jose Rizal at nagsusulat ng kanyang novela. Sa hapon ay nagsusulat siya, pero sa gabi ay wala talagang nakaka-alam ng pinagkakaabalahan niya. Although si Jose Rizal ay doktor lang sa mata, ikinabit na sa kanya ang pagiging doktor, at mas lumakas nga ang pagdududa sa kanya nang ma-conclude ngang may kaalaman sa anatomy ang killer. Alam rin naman nating lapitin talaga ng chiks si Pepe hindi ba? Bukod pa ron ni minsan ay hindi nabanggit sa mga liham na ipinadala niya sa Pilipinas ang pagpaslang, samantalang malaking balita iyon lalo na sa London. At ang pinakamahalaga ay ang initials. Jose Rizal, Jack the Ripper. JR, tama?

But of course, that conspiracy was debunked ages ago.

Enter modernization, year 2011. Si Russel Edwards ay isang English businessman na naka-purchase ng isang Victorian-era shawl sa isang auction na hindi pa nahuhugasan kahit kailan. Pero ano nga bang meron sa balabal na 'to at nai-auction pa? Nanggaling kasi ito kay Acting Sergeant Amos Simpson na isa sa mga police na nandoon nang patayin ang isa sa mga biktima na si Catherine Eddowes. Ni-request niyang i-uwi ang shawl na natagpuan nila sa crime scene para sana ibigay sa asawa niya, which she didn't received rather peacefully, natural.

So eto na nga, kahit pa luma't medyo gutay gutay na ito ay nagko-contain pa rin ito ng DNA. At matapos ang halos three years na scientific analysis, natukoy nila kung kaninong DNA ang meron dito at ito ay kay Aaron Kosminski, isang Polish immigrant, na napabilang din sa listahan ng mga possible suspect noon.

Pero syempre, marami pa ring mga Ripperologist ang hindi kumbinsido dito. May mga nagsasabi pa nga na hindi naman sigurado kung nandoon nga ba si Simpson sa crime scene at posibleng ang shawl ay na-contaminate na sa mahabang panahon since marami na rin ang nakahawak nito.

At isa pa, hindi rin naman kasi ito ang unang beses na na-identify ng DNA analysis kung sino nga ba si Jack the Ripper. Isa sa mga naging suspect rin ay si Walter Sickert na sinasabing nag-match ang DNA sa mga letters na pinadala ni JTR sa Scotland Yard. At meron din namang nagsasabi na isang babae ang nasa likod ng mga pagpatay according sa laway na natagpuan din sa mga letter.

Posibleng hindi na nga natin makita ang mukhang nagtatago sa likod ng maskara ni Jack the Ripper, ilang taon o ilang dekada man ang lumipas. At magka-gayunman, hindi na siya mapaparusahan ng batas. Kaya para sa inyong mga nagbabasa, sana naman ay 'wag lang ang pumatay ang maalala niyo kundi alalahanin din natin ang mga biktimang namatay sa ilalim ng malupit na kamay ng isa sa mga pinakabrutal na serial killer ng kasaysayan.

One moment of silence for all the victims who perished and may they all rest in peace...

X-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon