i. titanic

2.6K 102 19
                                    

RMS TITANIC

NAPANOOD mo na ba ang classic movie na Titanic 1997? Yung story ng cruise liner na bumangga sa isang iceberg na naging dahilan ng paglubog nito? Siguro naman alam mo nang inspired 'yon sa totoong pangyayari sa history hindi ba?

NAPANOOD mo na ba ang classic movie na Titanic 1997? Yung story ng cruise liner na bumangga sa isang iceberg na naging dahilan ng paglubog nito? Siguro naman alam mo nang inspired 'yon sa totoong pangyayari sa history hindi ba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang RMS Titanic ay isang British passenger liner na naglayag mula Southampton patungong New York City noong April 10, 1912. Apat na gabi din itong naglayag sa malawak na karagatan ng Atlantic Ocean. Hanggang noong gabi ng April 14, 1912, at exactly 11:50 pm ay bumangga ito sa isang iceberg. Ang paglubog ay tumagal ng halos 2 oras, at pagsapit ng 2:20 am ng April 15, 1912, narating na ng ship wreck ang madilim na seabed ng naturang karagatan. At iyon nga ang itinalang greatest maritime disaster in history kung saan sa higit 2000 passengers on board ay 800 lang ang nakaligtas. 1,500 pasahero ang namatay noong gabing 'yon kung saan, sa kasamaang palad, 360 na katawan lamang ang maswerteng na-recover at nai-uwi sa kani-kaniyang pamilya.

Pero alam mo ba, bukod sa nakapangingilabot na paglubog ng tinaguriang pinakamalaking passenger ship noon ay tinawag rin itong unsinkable ship. Ironic, hindi ba?

Pero anu-ano pa nga bang facts, mysteries, at strange coincidences ang naitala na nagre-revolve sa Titanic? Narito ang ilan.

• Isang life boat drill ang naka-schedule noong April 14 (gabi kung kailan lumubog ang Titanic), pero sa di pa nalalamang dahilan ay c-in-ancel 'yon ng kapitan.

• Naalala mo pa ba yung scene kung saan tumugtog ang mga musician habang lumulubog ang barko? That was actually true. Tumugtog sila ng dalawang oras at limang minuto habang nagkakagulo sa buong barko. Sa kasamaang palad, wala sa kanilang nakaligtas ni isa.

• Women and children first talaga ang priority sa pagsasakay sa mga life boats. Ang pangkalahatang survival rate ng mga lalaki ay 20% lamang, samantalang ang survival rate ng kababaihan ay 74% at 52% naman para sa mga bata.

• Ang chief baker na si Charles Joughin ay nagpalutang-lutang ng halos 2 oras sa malamig na tubig ng Atlantic Ocean bago na-rescue. At himalang nabuhay siya. Paano? Naka-inom lang naman siya ng sobrang daming whiskey kaya dahil sa init na nilikha ng sobrang daming alcohol niya sa katawan, kung kaya naman hindi niya na gaanong naramdaman ang lamig ng tubig.

• Maraming tao ang merong ticket pasakay ng Titanic pero hindi tumuloy, including Milton S. Hershey, ang founder ng sikat na Hershey's chocolates. At si Alfred Gwynne Vanderbilt, na namatay naman sa RMS Lusitania, tatlong taon makalipas ang paglubog ng Titanic.

• Ang huling survivor ng trahedya na si Millvina Dean ay namatay noong May 31, 2009 sa edad na 97. Dalawang buwan lang siya nang lumubog ang barko.

• Binatikos noon ang SS Californian dahil sa hindi nito pagpansin sa distress signal ng Titanic. Sinasabing kung agad lang na tumulong ang barkong ito ay baka mas marami pa sanang buhay ang nailigtas sa nagyeyelong karagatan. Makalipas ang tatlong taon, pinalubog siya ng isang German submarine.

• Samantala, ang RMS Carpathia ay nakarating ng 4am at isinakay ang mga survivor patungong New York. Mahigit 40,000 katao ang sumalubong dito sa pier 54.

• Lahat ng engineer ng Titanic ay kasama sa paglubog nito. Nagpa-iwan sila para patakbuhin ang makina, para ang iba ay magkaroon ng tsansang makalikas.

• Isang bagong diskubreng rust eating bacteria na may scientific name na Halmonas Titanicae, ang uubos sa lahat ng natira sa Titanic sa loob ng 20 taon.

Titanic goof.

Remember that scene where Rose and Jack first met? Kung saan, sinabi ni Jack (portrayed by Leonardo DiCaprio) na naranasan niya nang mahulog sa nagyeyelong tubig nung minsang mag-ice fishing siya sa Lake Wisotta, malapit sa Chippewa Falls, Wisconsin. Actually ay imposible 'yon since ang Lake Wisottaㅡna isang man made reservoirㅡay hindi pa nag-eexist hanggang 1917. And Titanic sank in 1912. Huh, mukhang may hindi nakapag-research dun, a.

Strange coincidence.

Marami nang mga palabas at storya ang inspired sa paglubog ng Titanic. Gayunpaman ay naiiba si Morgan Robertson dahil nauna niyang isulat ang libro bago pa man mangyari ang trahedya.

What!? Paano nangyari 'yon? Ganito kasi 'yon.

Fourteen years bago pa man lumubog ang Titanic ay isinulat na ni Morgan ang nobelang may pamagat na Futility, Wreck of the Titan. Tungkol iyon sa malaking unsinkable ship na Titan, na lumubog matapos itong bumangga sa isang iceberg sa Atlantic, noong gabi ng April. Ang Titanic at ang fictional ship na Titan ay parehong walang sapat na life boats para sa libo-libong sakay ng barko. Kaya sa sobrang dami ng similarities nila, aakalain mong ang White Star Line ay ginawa gamit ang specs ng Titan.

However, may mga mali pa rin sa isinulat ni Robertson na hindi nagtugma sa paglubog ng Titanic. Halimbawa, ang Titan ay nag-crash sa isang iceberg 400 kilometers away sa Newfoundland, at 25 knots (speed ng barko). Habang ang Titanic naman ay nagcrash sa isang iceberg 400 kilometers away sa Newfoundland, at 22.5 knots.

Ahahaha! Mali! Waitㅡwhat!? Is this Edgar Allan Poe's descendant?

Coincidence or premonition? Who knows? Ang sigurado lang ay isa ito sa pinakamalaking maritime disasters ng kasaysayan.

Marami pang kwento ang hindi pa nailalathala ukol sa Titanic. Marami pang mga bangkay ang hanggang sa ngayon ay di pa nakikita. At sigurado ring marami pang bagay ang maaaring matuklasan sa pamosong barko. Alinmandon, tunay ngang makapangyarihan ang kalikasan. At ngayong ilang daang taon na ang nakalilipas mula nang lumubog ito, wag sana nating makalimutan na may isang tulad ni Jack Dawson (hindi man siya totoo ay siguradong merong tulad niya) ang namatay para iligtas si Rose at ngayon ay nasa ilalim na ng malalim na karagatan... tsuk!

X-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon