x. conspiracy and cartoons #1 ; spongebob squarepants

1.1K 46 3
                                    

X-FILES
Conspiracy and cartoons
-presents-

Spongebob Squarepants

CARTOONS, cartoons, cartoons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CARTOONS, cartoons, cartoons. Sino ba namang dumaan sa pagkabata na hindi man lang tumutok sa tv para panuorin ang paborito nilang cartoon? Bago nagkaroon ng cellphones, laptops, xbox at kung anu-ano pang mga gadgets na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon, ay meron na tayong tv kung saan pagkatapos ng maghapong paglalaro sa labas o 'pag hindi pinayagang lumabas ay bubuksan na lang natin ang telebisyon, at doon ay manunuod tayo ng mga palabas na feeling natin e dinadala tayo sa ibang dimensiyon.

Ilan sa mga halimbawa ng cartoons na ating nakalakhan ay ang Spongebob, Tom and Jerry, Phineas and Ferb, Rugrats at marami pang iba. At dahil nga mga bata pa tayo ng mga panahong 'yon, ang inosente pa ng pag-iisip natin noon ano?

Magkagayunpaman, hindi naman talaga restricted lang sa mga bata ang ilang cartoons, dahil kung minsan ay nakikita nating nakikinuod din ang mga matatandang child at heart. At kung minsan, sila pa ang nakakapansin ng mga bagay na hindi nahahalata ng inosente nating pag-iisip noon. Mga bagay na, nabubuo sa isang nakakawindang na teorya.

Conspiracy theory ; A conspiracy theory is an explanation of an event or situation that invokes a conspiracy by sinister and powerful actors when other explanations are more probable.

At tutal ay nandito na rin naman tayo sa cartoons, alamin na natin kung anu-ano nga bang theory at kwestiyonableng facts ang rumerebolba sa mga minahal natin at hanggang ngayon ay minamahal nating cartoons. Umpisahan natin sa Spongebob Squarepants.

SEVEN DEADLY SINS

Marahil ay narinig mo na ito, pero isa sa pinakasikat na teoryang nabuo sa Spongebob ay ang mga characters daw nito ay nagrerepresenta sa Seven Deadly Sins. Pero bago ang lahat, ano nga ba ang Spongebob Squarepants?

Ang Spongebob Squarepants ay tungkol sa isang nagsasalitang sponge na nakatira sa isang pinya sa ilalim ng tubig na kung tawagin ay Bikini Bottom. Meron siyang bestfriend na starfish at nagtatrabaho rin siya sa Krusty Krab, kung saan nakakasalamuha niya ang iba pang karakter na bumubuo ng storya.

Balik tayo sa theory. Ang mga pangunahing karakter na merong equivalent sa Seven Deadly Sins ay sina;

Spongebob Squarepants - Lust
(not particularly lust but love rather, since malaki ang puso ng ating bida, nyaks)

Patrick Star - Sloth
(ang starfish na mabagal kung magsalita, wala siyang trabaho at madalas ay nakikitang naghahibernate sa kanyang lungga na isang bato)

Squidward Tentacles - Wrath
(palaging galit at iritable sa mundo, relate much?)

Eugene Krabs - Greed
(money money money, alam niyo naman kung gaano kahalaga ang pera kay Mr. Krabs di ba? Kung saan kahit sa panaginip ay nagbibilang pa rin siya ng pera o di kaya'y namimingwit ng pera)

X-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon