1

14 0 0
                                    


Aleezandra's Point of View.


"Ma! Una na po ako!"

Sigaw ko kay mama na kasalukuyang nag luluto ng almusal. Wala na akong chance kumain dahil late na ko gumising at alam kong susungitan ako ng kapatid ko. Sumakay na ko sa kotse niya. Wag kayong atat! Papakilala ko siya sainyo mamaya.

"Kuya teka lang!!"

"Ano ba Aleeza! Mahuhuli na tayo sa klase alam mo ba yun?" sabi ng magaling kong Kuya.

Hindi ko na lang siya pinansin at dali daling pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Makalimutan na lahat wag lang to aba!

"Kinginang liptint yan, pahamak talaga kahit kailan. Pwede ka naman manghiram sa kaibigan mo niyan ah?" reklamo naman ng masungit kong Kuya pag kapasok ko ng kotse niya.

"Ewan ko sayo, ang aga aga ang sungit mo!" sigaw ko sa kanya. Hindi na niya ako pinansin kasi pinaandar niya na yung kotse niya.

Ryker Charles Andrada. Ang kaisa isang taong naninira ng umaga ko. Well, mabait naman siya sakin pag may atraso siya. Pero pag wala, talo niya pa ang babaeng meron. Obvious naman na kapatid ko siya diba? hehe. Pero, hindi man niya alam idol ko yan. Simula ng namatay ang papa namin, para na din siya ang tumayong ama sa pamilya namin. At etong kotseng sinasakyan namin? Regalo to ni Papa sa kanya. Kaya sobrang halaga nito kay Kuya Ryker. Eto na daw kasi yung huling regalo ni Papa bago ito pumanaw.

"By the way Aleeza, start na ng basketball practice namin today." panimula ni Kuya Ryker. Himala? Nag kwento ang loko.

"Alright. Edi mag c-commu—"

"No Aleeza. Sabay tayong uuwi ngayon sabi ni Mama. Baka nakakalimutan mo?" sabi ni Kuya Ryker.

Yah, ang ibig sabihin ni Kuya Ryker eh may dinner kaming tatlo. Si Mama ang may pakana nito. Ewan ko ba kung bakit pero ang alam ko may dahilan ito. Hindi naman ugali ni Mama na mag dinner kami sa isang resto except kung may mahalagang sasabihin si mom or birthday niya or kaming dalawang mag kapatid.

"And guess what?"

"What Kuya Ry?" tanong ko.

"Captain Ball ako this year." Proud niyang sabi sakin.

"Wala na ata siguro mapili ang coach niyo noh?"

"Okay. Bumaba ka ng kotse ko at mag lakad ka mag isa." sabi sakin. ang bilis naman mapikon ng lalaking to.

"Joke lang naman kuya. Ang bilis mo naman mapikon. Well, congrats brother." sabi ko. sobrang husay naman kasi talaga nito.

"Nandito na tayo. Bilisan mo at malapit na mag bell." sabi ni kuya ng nakahanap siya ng space para sa kotse niya.

Pag kababa ko ng kotse may nakasalubong akong limang Grade 9 students. Mukhang hinihintay ata nila ang kapatid ko. Hindi ko naman itatanggi na may itsura talaga ang kapatid ko.

Dali dali akong tumakbo sa 4th floor kung nasaan ang mga room ng Grade 10. I am Aleezandra Chanelle Andrada. Yes, I am a Grade 10 student. Isang taon na lang, Senior High na. Isang taon na lang din same building na kami ni Kuya Ryker. Well, si Kuya Ryker kasi Grade 11 pa lang so different building kami.

"Ms. Andrada! Buti may plano ka pang pumasok sa klase ko ano? At buti naman nasabihan mo din tong si Ms. Ichiko na pumasok ng maaga. Parehas talaga kayo ng kapatid mo!! "

Ayan na naman tayo kay Mrs. Arquebas. Math teacher siya and maraming TAKOT sa kanya. Well, except for me.

"Syempre sabay kami laging pumasok eh." pabulong kong sabi.

MI AMOR (My Love)Where stories live. Discover now