3

7 0 0
                                    

Aleezandra's Point of View



Dumiretso na lang ako sa canteen at kumain mag isa. Nanibago ako kasi ako lang ang mag isang kumakain. Sabagay, may klase na din yung iba at hindi ito ang oras ng lunch. Binilisan ko na lang ang pag kain ko kasi baka may makakita na naman sakin at isumbong ako sa "over protective" kong Kuya. Dali dali akong umakyat sa 4th floor. Nakasalubong ko pa nga ang section ni Kuya Ry pero as usual, hindi kami nag papansinan. Lalo na ngayon na mag kagalit kami.

Pag dating ko sa room ay wala pang teacher kaya nakahinga ako ng maluwag. Pag siguro ay mayroon ay pagagalitan ako at hindi ako tatantanan ng mga tanong. Umupo ako at inayos ang libro para sa susunod na subject. Second to the last na din naman to kaya okay lang.

Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki na nag j-jamming sa likod. May isa na nag gigitara, may nakanta, may nag r-rap at may nag p-pen tap. Ngunit hindi ito nag tagal ng dumating na ang teacher namin.


"Okay class, page 157."


Nakatingin na lang ako sa orasan habang nag hihintay na mag bell. Nasa huling subject na kami ngayon at hindi na ako makapag hintay na mag dismissal. Sa bawat galaw ng orasan ay katumbas ng saya na nararamdaman ko dahil sa wakas mag uuwian na.

"Gurl, mauna na ba ako?" tanong ni Kairi sakin habang inaayos ang bag niya.

"Wag. Sumama ka na samin sa dinner at may k-kwento ako sayo habang hinihintay natin matapos sa training tong kapatid ko."

Pumunta kami sa court ng Basketball at umupo sa may malapit na bench doon. Dito ako laging pinapaupo ni Kuya Ry para daw makita niya ako. Napansin ko lang na madaming bola sa court at masasabi kong tuloy na tuloy na ang training nila.

Bigla ko tuloy naalala si Mr. Aquino. Papasa kaya siya sa Kuya ko?

"Uhm, Aleezandra may nag papabigay nga pala." Napalingon ako sa nag salita. Si James lang pala. Isa sa mga tropa ng Kuya ko at member din siya ng Basketball team. May hawak hawak itong milktea at fries.

"Sino nag bigay nito James?"

"Basta sabi niya pang peace offering daw niya yan. Kahit hindi ko na sabihin ay alam kong kilala mo na siya Aleezandra." sabi ni James at umalis na kasi tinawag na siya ng coach nila.

It's Kuya Ryker.

"Alam mo gurl, ang swerte mo diyan sa kapatid mo." Panimula ni Kairi.

Yeah, I know. Kahit madalas kaming mag away ay madalas din siyang mag sorry sakin kahit ako ang may mali. Para ko na din siyang tatay kung manermon haha. Ang korny.

"I know kaso parang siya ang hindi swerte sakin." pag bibiro ko habang nakatingin sa kapatid ko na seryosong nakikinig sa coach nila.

Habang ginagawa nila ang drills, biglang dumating si Mr. Aquino. Psh, pa-special naman masyado. Siya na nga yung mag t-try out siya pa tong late.



PERO WTF?!



Nagulat ako sa kasama neto ni Mr. Aquino.

Ang bestfriend ko. Si Cheeno. Yah, mahilig siya mag basketball pero hindi siya nag v-varsity. Wala din siyang nabanggit saamin na sasali pala siya. Nahihiya daw kasi siya. Well, hindi ko naman siya masisisi kung ganoon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MI AMOR (My Love)Where stories live. Discover now