2

9 0 0
                                    

Aleezandra's Point of View




Alexander. Hmm. Ano bang meron sa lalaking ito at pinag kakaguluhan ng mga babae sa Section C? Ganun na ba siya kagwapo? Hindi ko pa nakikita ang lalaking ito pero sa kwento nitong si Cheeno ay masasabi ko nga na may itsura ito. Naikwento din samin ni Cheeno na isa tong si Alexander sa mag t-try out para sa basketball team. Hmm, let's see kung papasa ka sa Kuya ko. Sa pag kakaalam ko, hindi basta basta tumatanggap ng member/player tong kupal kong kapatid.

Pag tapos namin kumain sa cafeteria, bumalik na kami ni Kairi sa room at ganon din si Cheeno. Ugh, AP na naman ang subject!! Nag paalam ako sa AP teacher namin na pupunta lang ako sa clinic. Tamang acting lang na masakit ang ulo.

At dahil malakas naman ako sa AP teacher namin, pinayagan niya agad ako. Sinabihan ko na din si Kairi na mag kita na lang kami sa cafeteria pag lunch na. Pumunta ako sa malaking garden ng school. Sobrang ganda dito at eto ang paborito kong lugar dito sa paaralang ito. Umupo ako at pinag masdan ang kabuuan ng garden na ito.

"Kailan ko kaya makikilala ang taong para saakin?" tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ko ng tingin ang dalawang paro paro na lumilipad sa harap ko. Sabi kasi ni Kuya na wag daw muna ako mag madali pag dating sa pag ibig, baka masaktan lang daw ako. Ganun ba yun?

"Maybe? Sa tamang panahon?"

Nanlaki ang mata ko sa nag salita sa likod ko. Wtf? Feeling close naman to. Tsaka wala namang tao dito kanina nung pumasok ako ah? Tsaka nandito ako sa may tagong lugar dito sa garden kaya impossible na may makakita sakin. Dahan dahan kong nilingon yung lalaki.

Sino ba to?


"Alexander Kirby Aquino. And you are?" tanong nito sakin. inabot niya yung kamay niya sakin pero di ko pinansin ito at tinignan lamang. ahh, so siya pala yung sinasabi ni cheeno samin ng break time.

"Di ko tinatanong pangalan mo." pag susungit ko sa kanya. Napahiya ata tong si Mr. Aquino kaya ibinaba niya yung kamay niya at napakamot ng ulo. Makikipag shake hands ata.

Umupo siya mismo sa tabi ko kaya dumistansya ako ng kaunti. Hindi kami close at baka manyak pala tong si Mr. Aquino myghad!! Mas mabuti sana kung close kami tulad ni Cheeno and my brother. Nakatingin lang ako sa malayo at naramdaman kong tinititigan niya ako.

"What?" tanong ko.

"Nothing. Ganto pala dito noh? Ang hilig mag habol ng tao lalo na yung mga babae. Tas may mga masusungit rin." sabi niya.

Tumigil siya saglit at,

"Masungit, tulad mo." sabi niya at narinig ko ang mahina niyang tawa.

Ano ba trip neto?!

Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na sa garden. Psh, wala akong panahon sa mga katulad niya. Yes, may itsura siya pero hindi ko trip makipag kaibigan sa kanya. Basta! Di ko gusto ugali niya. Feeling close!

Mabilis lumipas ang oras at napag desisyunan kong pumunta na lang sa clinic. Kung babalik ako sa classroom ay may maaabutan pa akong isang subject which is TLE. Kainis! No choice ako kundi mag stay dito. Pinipilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Hay.


"Hey, wake up."


Nagising na lang ako sa isang pamilyar na boses. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumugad sakin ang pag mumukha ng magaling kong kapatid and what?! Bakit niya kasama tong si Mr. Aquino? Kailan pa sila naging close ha? Tumayo ako at inayos ko ang buhok at uniform ko. Tumingin ako sa orasan at patapos na ang lunch break. Napasarap ata tulog ko.

"Aleez, kelan mo ba titigilan to ha?" mahinahong sabi ni Kuya pero alam kong naiinis na siya.

"Masama lang talaga–"

"Tigilan mo na yan Aleez. Ulitin mo pa yan, isusumbong na kita kay Mama na lagi kang nandito sa clinic kahit wala ka naman talagang sakit." Nakakahiya pero totoo naman. Ewan ko, hindi ko lang talaga trip.

"Bakit Kuya Ry? Ako lang ba ang may kasalanan kay Mama?" pag dedepensa ko kay Kuya.

"Tumigil ka."


"Why Kuya? Bat ayaw mo ipaalam kay Mama? Natatakot ka ba?" Ngumisi ako. That's it. Galit na nga talaga ako. Wala akong pakialam kung naririnig to ni Mr. Aquino na nasa tabi lang ni Kuya at malayo ang tingin. Na f-feel ko na gusto niya kaming pigilan pero wala siyang magawa.

"Wag tayo mag away dito." sabi ni Kuya at umalis. Nakita ko pa ang pag ngiti ng nurse dito ng senyasan siya ni Kuya bilang pasasalamat. Psh, obvious naman na may gusto siya sa kapatid ako. Aba, ibang klase to ah.

Nilingon ko si Mr. Aquino.

"Just act na wala kang napanuod at narinig."

Lumakad na ko papalayo pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla siyang nag salita.

"Baka iniisip mo na ako ang nag sumbong sa kuya mo. Nag kakamali ka Ms." pag dedepensa niya.

"Sinisisi ba kita?"

"Hindi naman pero baka isipin mo ay ganoon nga dahil ako ang kasama ng Kuya mo papunta dito. Ang dahilan kung bakit mag kasama kami ay mag kausap kami nun ng Kuya mo kasi sinabihan ko siyang mag t-try out ako sa Basketball mamaya ng dumating bigla si Cheeno at sinabing nandito ka daw kaya nalaman ng Kuya mo. Akala ko nga ay boyfriend mo siya kung hindi mo pa siya tawaging 'kuya' kanina. Uulitin ko, hindi ako ang nag sumbong ni wala nga akong pakialam sayo." walang reaksyon niyang sabi saakin at nilagpasan na lang ako.

Bakit biglang nag iba ang timpla ng lalaking iyon? Ano ba ginawa ko? Baka nasungitan na sakin? Ahh, mabuti lang iyon ng layuan niya ako at hindi ko siya trip maging kaibigan.





end of chapter 2.

MI AMOR (My Love)Where stories live. Discover now