DANNIELA’S POV:
You are the song playing so softly in my heart
Ito na ata ung isa sa mga pinaka hinihintay kong pagkakataon.
Nasa loob kame ng isang room sa school. Petals of roses all over. And totoo ba to? Papalapit ng papalapit, inch by inch..
.
And now.....
.
.
Derrick is in front of me with a bouquet of pink roses. The both of us face to face. His sparkling eyes, the smell of his perfume and everything about him seems right. His close to perfection. Lord, please, siya na lang po.
Hayyy… Ang ganda talaga ng lahi ng lalaking to. Bat ba kase ang gwapo niya?
.
Kilig, maghunos dili ka, mahahalata ako neto ehh. XD
.
“Danny, 'di na ako magpapaligoy-ligoy pa. It's been a while nung nalaman ko na may gusto saken.” Derrick
Patay! Sabe na nga ba ehh, ganun na ba ko kahalata?
.
.
.
.
Oo, aminado naman ako that I’ve been admiring this creature since 1st year high school.
Siya ata ung una kong napansin na lalake sa campus noon. I’m a junior now, siya naman senior. Alam ko, isa lang ako sa mga babaeng may gusto sa kanya. Sino ba naming hinde? His talented, he can play the drums, at napaka gwapo niya talaga kapag ginagawa niya un. His running for valedictorian and I really believe na makakaya niya . He also plays volleyball and his pretty good in it. Kahit na may bisyo ang mokong, inom at sigarilyo, tinanggap ko un, martir ako ehh. Natural na un sa mga boys diba?
Isa siya sa mga reasons bakit ako ginaganahang pumasok sa school, bukod sa kelangan kong iMaintain ang scholarship ko. Hinde naman ako nagpapatalo kung BRAINS lang din ang pag-uusapan. ;D
Wala kameng relasyon ni Derrick bukod sa schoolmate ko siya. Yup, isa akong dakilang ilusyonada at feelingera. Well, wala naming masamang mangarap diba?
Yes, crush ko siya
SUUPER CRUSH
SUUPER DUUPER CRUSH
Alam nga ata ng buong section namen un ehh, pati mga teachers.
“Uhh? Tala--ga? Pa--nu?” Danniela
Mahabagin langit. Nauutal ako. Ikaw ba namang iconfront ng crush mo, tignan natin kung di ka mag-panic ng bongga.
I reach for you, you seem so near yet so far
This is the first time that he talks to me. Though, I really attempt to talk to him before, a thousand times but I can’t, I’m afraid .
I try not to say the words that might scare you away
Hinde ako nagtapat sa kanya,for 3 long years, tinago ko lang ung nararamdaman ko. Natural na schoolmate na lang nga ang tingin niya sa akin ngayon, ung tipong hindi niya ko pinapansin. Baka kapag ginawa ko un, supladuhan niya pa ako. Or worse ituring niya pa akong stalker. Hayyy, buhay. Isa pa, natatakot kase ako, alam ko naman walang pag-asa, pero dahil kasing tigas ng semento ang ulo ko, patuloy pa rin akong umaasa.
Alam ko nanaman kakalabasan, rejected lang din ako. NGA-NGA in short. I hate rejections.
You are mine and I'm your true love
“Ssshh, hindi na mahalaga kung paano ko nalaman na gusto mo ko.” Derrick
Sabay hawak sa mga kamay ko. Mahigpit, ramdam ko na hindi basta ordinaryong hawak iyon, may halong pakiramdam, pagmamahal.
“Mahalaga ngayon, nandito na ko. Ikaw. TAYO. Ang totoo nyan, humahanap lang ako ng tyempo, tamang timing at ngayong nakaipon na ko ng lakas ng loob, Danniela, can I court you?” Derrick
.
WUHAAAAT? Si-----si s--i Derrick Montalaban, tinatanong ako kung pedi ba siyang manligaw?
.
.
“Kung nalaman ko lang noon pa that the feeling is mutual between the two of us, I might have courted you since then. Siguro nga, naging manhid ako. Pinaghintay kita. At ang tanga ko parang hinde malaman ang bagay na to ng mas maaga. I know it’s late. There would never be enough measure of time for the two of us to be together, but can we start with forever? Danny, ako naman ngayon. Hayaan mong lang ako, papatunayan ko na karapat dapat ako para sa pagtingin na nilaan mo sa akin noon pa man. Please, say YES.” Derrick.
.With luha-luha sa gilid ng aking mata. Nasabi ko na lang na..
"Oo, Derrick."
Or am I dreaming
*buzz.buzz.buzz.buzz*
Kamote! Ano ba ung maingay na un ohh? Lingon-lingon sa paligid. Bukas mata. Hikab. -_______-
Ayy! PANAGINIP lang pala. Well, What do I expect? As if naman na mangyayre un. >___<
Nakatulog pala ako bigla habang nagrereview. At ano to?
40 new messages received o_O”
Anong meron? Pagbukas ko. Galing pala sa mga loka-loka pero love na love kong mga kaibigan. Sa 40 na un kala ko meron isa galeng kay Derrick,Kaso wala man. FUDGE! ;/
12:10 a.m na pala at…
*I’m feeling sexy and free*ringtone ko
“Hello”ako
“HAPPPPPPPPPPY BIRRRRRTHDAYYYYY!”Nicki
Sabay baba ng phone. Regular siguro gamit nung babaeng iyon. kaya agad binaba.
Nicki Valdez is one of my dear friends. We are together for 4 years now. Nung kinder at ngayong high school. Alam na lahat niyan sa akin ehh, bawat sulok, bawat kanto. At tanggap niya ako. <3
Hindi ko lang alam kung pinagtitripan niya ako nun at agad niyang binaba ang phone, o regular lang ba talaga ang gamit niya. I appreciate the effort though.
Kaya iteText ko na lang ang bruha.
To: Nicki Valdez <3 (Oo, ganyan name niya sa contacts ko, gusto ko buo ung mga pangalan ng close sa akin ehh, bakit ba. Basta kapag friend or close sa akin, buo pangalan sa contacts.)
Hey! Nickz, salamat sa greeting ahh? Hindi pa ako nakakapag-paThank you binababa mo na agad. Regalo ko pala? Joke lang. Ocge, good night na.
Press send button. Presto. Message sent.
Tinignan ko ang mga messages sa phone. Birthday greetings pala from friends and relatives. As a sign of gratitude nagGM (group message) ako ng thank you at kung ano pang kaek-Ekan. Kakatamad naman kung PM (personal) pa ang gagawin ko sa bawat isa. Ok nanaman un, birthday ko naman.
Birthday ko na nga pala. Tumayo ako, pumuntang sala, tumingin sa salamin, at nasabing “Happy Birthday sayo! Ganda ng panaginip mo. Gift ni Lord sayo un. Sana mangyare un mamaya noe? Love kita.”
.
Loka-loka ba ang dating? Ganyan lang talaga ako. Kinakausap ko sarili ko, Kapag masaya ako at lalu na nkapag malungkot. I try to cheer myself at hard times. That way hindi ko nararamdaman na nag-iisa ako.
Hayyyyy 15 nako, wala pading love life. Ung mga friends ko kung hinde may boyprend, kakaBreaak pa lang, kaya may kaM.U kund di nman L.L lang. Ehh ako? Eto, kuntento na kay Derrick kahet wala naming kame. At parang malabong magkakaroon pa ng kame. May nililigawan kse siya. Si Mariel, batch mate niya.
Pero ‘di pa naman sila, pedi pang agawin. Joke lang. ‘Di naman ako ganun ka desperada.
Wish ko, sana ako na lang.