DANNIELA’S POV
*I'm feeling sexy and free
Like glitter's raining on me*
Bigla akong napatingin sa alarm clock ko sa may side may table na nasa gilid ng kama.
5:30 am na pala.
“askgbhxss” -_____-
Ano ung ingay na un?!!! Kakatulog ko palang ng 12:30 am ehhh. Di naman ako nagAlarm. Tsaka hindi naman "Domino" ung tunog ng alarm clock ko.
(-__- ) ( -__-)
* You're like a shot of pure gold
I think I'm bout to explode!*
Ahh…. May tumatawag.
TUMATAWAG?!!!! O.O 5:30 ng umaga? CRAPPPP!
“Saan ba phone ko?” ako
Kukunin ko na sa ilalim ng kama ng biglang…..
BOGGGGGGGGGG!
POWTEKK OH! Nahulog ako sa kama. Ang lakas ng kalabog, langya, pati mga aso namen nagsitahulan. Kung sino man tong hinayupak na tumatawag na to, humanda sya! ARRRG! >____<
“AWWWW! Sino pa naman kase tong…”ako, irritable pa din.
Jhelo Kiel Punzalan (espren ;”D)
Calling…
Ayy, si bespren pala. Ano nanamang trip ng lalaking to! Lakas lang makaistorbo sa pagtulog. Maaga nanamang nakatulog to, pupusta akong di nagreview. Tas kokopya saken mamaya, kung naniningil lang ako sa lahat ng kinopya neto, baka milyonaryo na ko :DDD. Matalino to naman ehh, tamad lang.
“Hello, baboy, gising ka na ba?”Jhelo, ganda talaga ng boses neto sa phone. Dapat magDJ nlng siya, walang pang Math un, mahina kase sa math to, parehas kame.
“Hinde-hinde, tulog pa ko, kaluluwa ni Danny tong kausap mo. Ano ba kaseng gusto mong bakulaw ka? Baboy ka dyan, kapal neto, kaw lang nasasabe nyan saken ehh.”ako. Manggigising na lang nga, pangiinis pa una mong maririnig.
“Ohh, bespren naman, joke lang, pikon talaga neto. Nilalambing ka lang ehh. Birthday na birthday mo ohh, gusto ko lang na isa ako sa mga unang magGreet sayo. Happy Birthday besssss. ” Jhelo. Bakit sobrang energetic neto? Ang aga-aga. Ang saya din niya, parang siya ung may birthday sa aming dalawa. XD
Minsan talaga may sinasabe ding matino ung mokong na to ehh. Mahilig lang talaga akong pagtripan neto, pero pag naiinis na ko, di na niya alam gagawin para maamo ako ulet. Tsaka kung may konting misunderstanding, siya ung unang nagsosorry.
Jhelo was my twin brother daw sabe ni kuya. Because we are at the same age, we do a lot of stuffs together. Kilala ko na siya since childhood, pero nitong high school lang talaga kame nagkasama at naging close. Minsan nga nagseselos ako kay bespren, kase parang siya ung anak dito at mas nagkakasundo sila madalas ni kuya sa mga online online games na yan. Mga lalaki nga naman.
His mom and my mom were high school classmates and friends until now. So, the both of them decided to bring us in a same high school. Katwiran ni mama, para raw may poprotekta saken in case of may mang bully saken. As if, neknek nila, matakot sila sa muscles ko. At si tita, para raw may tumingin-tingin kay Jhelo, maloko daw kase.
Ung sinasabe ni tita na maloko si Jhelo, totoo un, kelangan nga ng sumasaway sa kanya at ako na gumagawa nun. Nung una talaga puro away lang kame neto. Busitan at pikunan. Pinapatulan ko kase. Pero naging ayos naman, tsaka medyo nabawas-bawasan na kalokohan neto. Alam na niya kung kelan tumigil. Nakukuha ko na siya ngayon sa isang tingin, killer eyes @____@