Chapter 2: Dear Diary

6.9K 55 0
                                    

CHAPTER 2: DIARY

***

Dear Diary,

Alam kong sawa ka na sa lagi kong sinusulat dito. Puro tungkol sa trabaho ko. Sa trabaho kong scamming.

Alam kong masama, pero wala akong ibang mapagkukunan ng nga pangangailangan ko.

Pero alam mo ba, yung huli kong biktima kagabi ay isang bata lamang. Hindi ako sigurado pero mukha siyang 18 pa lang.

Naaawa ako sa kanya.

Para sa akin, hindi man lang nya ramdam na di tunay na mga kaibigan at deserving na girlfriend ang meron siya.

Peer pressure and loving blindly

Bata nga naman. Haist. Bakit ang daming tao ang nabibiktima ng mga problemang yan?

Sa tingin ko, pineperahan lang siya nung mga yun kasi nakita ko marami din siyang pera.

Di man lang niya siguro alam na, baka lang naman, niloloko siya nung girlfriend nya. Dahil hindi tunay na pagmamahal ang hanap ng girlfriend nya kung yun ang gusto nya.

Problema kasi sa kanya, ang bilis nya magtiwala sa mga tao. Pati sa mga di nya kakilala tulad ko.

Nadagdag tuloy siya sa listahan ng mga biktima ko.

Ganun pa rin naman yung ginawa ko sa kanya, gaya nung mga ginagawa ko din sa iba ko pang mga biktima.

Pinainom ko din siya ng alak na may pampatulog.

Humingi pa nga siya ng isa pang shot. Mukha nga siyang problemado. Yung ganong bagay, bakit pinoproblema pa?

Alam mo, kung di lang talaga dahil sa mga magulang ko, di ko papasukin ang ganitong kalakaran.

May kaya kami pero di sapat yun.

May mga sira sa ulo ang mga magulang ko kaya ko sila nilayasan. Alam mo yan, diary, lagi ko silang kinukwento sayo dito.

Alam mo, di ko alam kung bakit sila ganun sakin. Anak naman nila ako.

Pero bakit ganun?

Ayoko na. Kaya ko sila iniwan.

Tingnan mo, umiiyak na naman ako.

Nakakasawa na.

Sige, hanggang dito na lang muna ang ikukwento ko.

Paalam, diary ko.

~Eri

***

Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko at itinago ang aking diary sa ilalim ng comforter ko.

Makapaligo na nga muna. Pakiramdam ko parang ang dumi dumi ko.

Pumasok ako sa loob ng bathroom ng unit ko. Oo, naka-unit ako. May sarili akong condo kahit ganito ang trabaho ko. Malaki naman ang sweldo ko dito, eh. At saka idagdag mo pa yung perang naipon ko nung nasa poder pa ako ng mga magulang ko.

Pagkatapos ko maligo, ay humiga ako sa kama ko at nag-isip isip.

Bukas.

Maghahanap ulit ako ng trabaho.

Ayoko talaga dito.

Yung trabahong nababagay sakin.

Yung disente.

Yung malinis.

Kung bakit ba naman di ako matanggap tanggap sa mga kumpanyang pinag-a-apply-an ko.

Di ko alam.

Eh, ang liit liit naman ng sweldo pag nag saleslady lang ako o kung anu man.

Ang taas naman ng tinapos ko.

Bachelor of Science in Business Administration major in Managerial Accounting

Sariling kayod ko lang din naman ang ginamit ko dyan para makapagtapos.

Aba!

Magna cum laude din naman ako at pumapasok noon sa isang prestihiyosong unibersidad.

Bigla kong naalala. Kamusta na kaya ang negosyo namin. Balita ko successful naman daw.

May mga 12 branches na nga daw dito sa Pilipinas, eh.

Teka.

Negosyo?

Successful?

sa Pilipinas?

Di kaya.

Hinaharangan nila akong makapasok sa mga kumpanya dito?

Nakakainis!

Ano bang problema nila?

Di ko naman sila ginugulo, ah.

Dahil ba yun sa di ko pagpayag sa gusto nilang mangyari noon? Sa mga makasarili nilang utos?

Bakit, kung sa kanila ko kaya yun gawin, gugustuhin ba nila?

Hindi.

Atsaka, successful naman ang business nila. Ano pa bang pinoproblema nila?

Kung pede lang sana ako mangibang bansa at dun mag-trabaho, sana matagal ko nang ginawa pero hindi.

Kasi ilang beses ko na din siyang sinubukan pero wala din.

Hinaharang nila ako.

Ayoko na talaga.

Paano ako makakaalis sa sitwasyong ito?

My Virgin Prostitute Partner *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon