Chapter 4: Betrayals

6K 76 28
                                    

CHAPTER 4: BETRAYALS

CHASER'S POV

Andito ako ngayon sa mall. Namimili ng panregalo para sa monthsary namin ng girlfriend ko.

Buti may pera pa ko matapos akong mapagnakawan kagabi.

Grabe yun. Niloko lang ako. Hinding hindi na ko babalik pa dun, humanda yang babaeng yan pag nakita ko.

Gusto ko sana mapasaya si Cephinea, yung alam nya na kaya ko gawin yun para mapasaya siya.

Wala namang problema dun. Mahal naman namin ang isa't isa.

Dahil sa pagod kakahanap ng pwedeng ipanregalo, pumasok muna ako sa Starbucks para kumain na muna.

Habang hinihintay ko yung order ko, napatingin ako sa labas.

May nakita akong babae. Kamukha nya yung babae kagabi pero, hmmm, kahawig lang.

Dumating na yung order ko. At nang matapos ko na yun, naglibot libot uli ako para maghanap ng ipanreregalo ko.

"Bakit ba ang hirap maghanap ng regalo para sa babae?" bulong ko sa sarili ko. Naisip ko na din na stuffed toy na lang kaso di siya mahilig dun, flowers allergic siya dun, accessories nahhh madami na siya nun, make-up tambak ang bag nun.

Naglakad-lakad pa ko hanggang makarating ako sa may cinema. Ewan ko ba kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, pero basta parang gusto ko pumunta dito.

Pero ang di ko inaasahan.

Ay ang kung ano ang makikita ko.

Ayy mali. Kung sino pala ang makikita ko.

Si Cephinea.

May kasamang lalaking naka-akbay sa kanya.

Sino siya? Wala siyang nababanggit na may lakad siya ngayon.

Baka kapatid. Pero sa pagkakaalam ko wala siyang kapatid na lalaki.

Pinsan? Hindi ko rin alam.

Ang mabuti pa, sundan ko na lang sila.

Nakita ko bumili sila ng ticket.

Pagka-alis nila dun, bumili din ako dun sa pinilahan nila para ganun din ang papanuorin ko.

Sinundan ko sila. Naupo sila sa may gilid. Umupo naman ako sa likuran nila mismo. Di naman nila ako pansin. Buti nalang.

Nagsimula din agad-agad yung palabas. Pero di ko yun pinansin. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-pe-play yung movie.

Tawanan sila ng tawanan.

At nagulat ako nang hinalikan pa ng lalaking ito ang mahal ko. Anong ibig sabihin nito!

"I love you, _________. Mahal na mahal kita!" nabigla ako sa sinabi ni Cephinea dun sa lalake.

"I like you, too. Pero kelan mo ba hihiwalayan yang walang kwenta mong boytoy?"

Boytoy?

"Pag nagawa ko na yung dapat kong gawin. Ayoko namang mawala yung resthouse ko sa Subic, noh. "

"Eh, bakit ba kasi nakipag-pustahan ka pa? Nang dahil dyan di kita masolo lagi."

"Ano ka ba naman. Don't worry, malapit na to matapos. Wag ka na magtampo, tart."

WHHATT!!

A-anung pustahan yun?

Hanggang sa natapos ang movie at lumabas na sila.

Sinundan ko sila hanggang sa makapasok sila dun sa building na ano yun? Yung may picture ng babaeng mukhang japayuki na may hawak na pamaypay sa may mukha?

My Virgin Prostitute Partner *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon