Ch. 1

16 0 0
                                    

Yung hindi ka nag-aalala. Yung walang bahid ng reasoning. Yung hindi mo kelangan ng talino.

Minsan pala masaya din. Siguro nga hayahay lang talaga tayo kung 'di nakaen yung sinumpang prutas e.

Hindi yung goma goma ah.

Minsan mas magandang umalon na lang kay Fate. Kay Destiny. Atleast wala kang sisisihen.

2 years na 'kong gan'to. Toss coin lage 'pag magddecide. Minsan swerte. Madalas napapasama. Pero no regrets.

Parang dumadaan lang ako sa 'difficulty' level.

Ang astig nga minsan e. Parang smooth lahat. Walang sabit. 

One time nga, nag-toss coin ako kung sasakay ako pauwe kasi may parating na tricycle na papunta samen.

Ayun, nauwi ako sa lakad. Pag uwi ko, saka ko lang nalaman na nag-tigil pasada yung mga driver samen. 

Ta's yung kung-sino-man na sumakay, nabalitaan ko e ninakawan tapos dinedbol pa. 

Much lucky. Such fate. Wow.

Mahirap magtiwala sa tao. Yan yung pananaw ko. Ewan. Para kasing madami pang undiscovered na ability e. 

Sabi nga dun sa nilalaro ko, 'pag natuto nang lumaban yung tao ng walang advantage/pandadaya, dun mo lang malalaman yung kaya nyang gawin. 

Yung limit. Extent.

I doubt na may extent yung tao. Oo, 'di natin kayang lumipad ng walang gamit, pero may levitation. 

Gamit ang utak. Di natin kayang pumunta sa sobrang lalim, kaya gumawa ng equipments. Renaissance.  

The point is, lumalayo lang yung extent ng tao 'pag may kelangan, 'pag desperado. Nagbberserk yung utak.  

Parang saka lang nila naiisipang magreachout. Dun sa inner self. Inner capabilities na undiscovered usually.

Hayhay. Wtvr.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Doc - " Oh, andito ka na naman? " sabi ng doktor. 

" Di ka na nasanay. S'yempre kelangan ko ng supply. Last 3 months ko na nga lang dito e. "

Malamig yung office n'ya. Blue green na light yung pader. Di naman masikep, pero di rin ganun kaluwag. Personally designed nga e. Parang bahay n'ya.

Doc - " Oh, ayan. Tipiren mo. Mambababae ka na naman. "

" Di ah. Behave nga lang ako e. Ge "

May appointment siya after 30 mins. kaya di na ko natulog. Diretso sa bahay, yun yung plano ko. E nakita ko si Yex. Edi rak na ituu.

" Sama ka pre? Kila Mimi daw. 6 ng gabe. ", yaya ko.

Yexel - " Ge ge. Parada ko lang 'to ta's 'rekta na ko. "

E medyo tinamad na ko. Nag-flip ako. 2x pa nga e. Para s'gurado. Go daw.

Mga 7:30 na 'ko dumating.  Filipino time, actually. Bigtime si Mi. Eat all you can. Sayang, sabi ko.

FlipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon