Ang dami palang phase ng pag-ibig. Minsan mabilis naman mag-process pero kadalasan matagal.
Ang mahirap pa do'n, yung mga part na matagal e kung nasa'n yung paghihirap. Sadnu?
Parang pag-eenroll ng manu-mano ta's pipila ng pagkahaba-haba na kung bibilangin mo yung beses
ng pagtago at paglabas mo ng cellphone o gadget o kahit anong pampalipas ng oras e mas madami
pa kesa sa bilang ng taong nababawas sa pila kada minuto. Joke lang, eksaherada ko naman.
Kahit naman siguro sa automated o online, pahirapan din. Mabagal na server, kung di naman e
mabagal na internet connection. Yung mga grades na hindi pa available kase may mga INC pa.
Either incomplete o 'I NEED CASH', bwiset yan lalo na 'pag medyo late na magbigay ng grades
tapos malapit na yung enrollan, 'di mo alam kung regular pa ba o hindi na — yung menstruation mo.
Minsan nga, ayaw na natin pumila kasi ang habaaaaaa tapos nasa dulo ka pa na 'di mo alam kung
aabutin ka ba ng cut-off at aasa ka lang, masasayang ba oras mo sa pagtake ng chance, kung
magpapa-fixer ka na lang ba at gagaya kay Napoles o i-cchainsaw lahat ng nasa pila para mauna.
Pero s'yempre, kung nag-effort ka pumila, kumain ng napakaraming patience — sa inip at sa
init at sa amoy ng katabi pati ingay ng mga pinagcchismisan ang standing sa PBA pati buhok
ng isang artista hanggang sa mga sikat na pelikula pati yung kaklaseng binabakstab nila
na hindi nila alam e nasa likod lang pala nila — masarap sa pakiramdam 'pag success ang operasyon.
Ang haba naman ng intro mo kuya. Ang dami mong sinabi, yung mga quotes saka landian lang naman
yung gusto naming basahin dito. Love story nga diba, hindi naman namin kelangan ng sermon
o misa dito. Sige, ipagpatuloy mo pa ang 'pag momonologue.
Mahirap pag 'di mo alam kung kelan, pa'no, saan o bakit mo nagustuhan yung taong mahal mo.
Bukod sa wala kang clue pa'no mo siya sisiraan sa paningin mo para kalimutan siya, hindi mo din alam
kung sa'n ka maniniwala. Kung dun sa 50% hope na maayos n'yo pa o dun sa 50% hope na may 'better' pang dadating.
Anyone deserves a second chance. Hindi mo yan maikakaila. First impressions are the best deceivers.
Parang pagpasok ng isang batang galing sa pangkat etniko ta's ipapasok sa private school sa siyudad.
Discrimination. Unacceptance. Parang pagiging cautious sa mga grupo ng mamang sumasakay ng jeep ta's
iniisip mo laging hoholdapin ka nila — na sa totoo lang e nagsisikap maghanap buhay ng marangal.
Opportunity knocks only once, pero kelangan alam mo din kung opportunity talaga 'yon o hinde.
Baka yung kumakatok e budol-budol gang na pala, ta's iisprayan ka o kaya papatinginin ka sa barya
ta's susundin mo na yung mga sinasabi nila. Naloko na. Naloko ka. Sabi nga ni Ernie, knowledge is power.
Madali lang naman magbigay ng second chance. Kahit ng third. Kahit 50th o 100th. Kaso ang tiwala, nauubos.