Typical start of a story-first day of school. Saya, takot, kaba, inis-ilan lamang yan sa mga nararamdaman natin tuwing first day of school. Maraming nag-uunahan makapasok sa first gate ng Aristotle Academy, at isa na doon si Amy, na sobrang saya ang nararamdaman.
"At last! Senior year here I come!" she immediately ran towards her best friends when she saw them sitting near the school fountain. "Emy! Umy!"
Napalingon naman sakanya ang kaniyang mga kaibigan. "Oh Amy!" agad naman silang nagyakapan nang nakalapit sila.
"O to the M to the G! I already saw na the list of students. And as expected, magkakaklase pa rin tayo!" pagkukwento ng isa sa mga bestfriends niya, Maiumy Suarez or commonly known as Umy. /yu-mi/
"Ofcourse Umy, hindi ko naman hahayaan na magkahiwalay tayo ng class ngayong graduating na tayo. I really asked Dad to talk to the president of the school para classmates pa rin tayo!" Amy smiled in triumph, alam niya na kasi na magkakaklase ulit sila. Sa kapit ba naman ng pamilya niya sa academy nila, siguradong hindi matatanggihan ang request ng unica hija ng nagmamay-ari ng Anderson Group of Companies, na si Amethyst Angelique A. Anderson.
"Wow! Very impressive girl. Let's go na baka maubusan tayo ng seats." pag-aaya ni Emylia Ramirez or Emy, kahit alam niya naman na kahit sila pa ang pinakahuling dumating eh makukuha pa rin nila ang upuang gusto nila. The perks of being the popular girls.
Sabay-sabay silang pumunta sa kanilang designated room - the room of section A - Heart.
Simula preschool ay magkakasama na silang tatlo. Aware naman sila na hindi sila ordinary, dahil palaging may special treatment silang tatlo, especially Amy. Galing sila lahat sa mayayamang pamilya. Emy is from a family of chefs, Umy is from a family of celebreties, and Amy from a family of businessmen.
Bata palang si Amy alam niya na sa companya nila ang bagsak niya, but that's not what she wants. Gusto niya maging fashion designer. Pero alam niyang tututol ang pamilya niya dito, especially her Dad. Alam niyang marami itong expectations sakanya. Gusto nitong matulad siya sa tatlo niyang mga Kuya na sina Aaron, Aldrich, at Adrian. Lahat sila tumutulong mapalago ang negosyo nila-at siya? Wala siyang balak.
☻ ☻ ☻ ☻
Hindi malaman ni Twister kung bakit siya nakaramdam ng takot pagtapak niya sa harap ng first gate. Nagkalat ang mga estudyante, halo-halo naman ito. May mga maaarteng babae, mga mukhang nerds, mga mukhang athletes, mga mukhang mamamatay tao, mga emo at mga normal-tulad niya.
Hindi lang naman pang mayaman ang Aristotle Academy, pero mataas ang standards nito kaya masaya namang nakapasok si Twister. Paano ba naman, nabola niya kasi yung babaeng nag iinterview ng mga estudyante at ang gwapo pa niya. Hindi man siya masyadong matalino, pero hindi rin naman siya bobo. At isa pa, masipag siya at madiskarte.
"Ano pa kuya ang tinatanga mo jan? Pumasok ka na oh. Pinagtitinginan ka na nga mga babae. Harot overload nanaman." Sabi ni Fries, nakababata at nag-iisa niyang kapatid.
Napalingon naman siya dito, "Selos ka naman? Wag ka mag-alala kayo lang ni Nanay ang mga babae ko 'no." natatawa nitong saad.
"Hmp! Hindi ako naman ako nagseselos eh. Nakaka-inggit! Gusto ko ring pumasok sa Aristotle Academy." she looked at her dream school hopelessly. Ang Aristotle Academy kasi ay para lang sa mga graduating. Walang loyalty award kasi one year lang naman.
"Maghintay ka! Tutal isang taon nalang bao ka mag graduate, masyado ka namang excited. Mag-aral ka ng mabuti ha, hindi yung nakikipagmabutihan ka na kay Jonas." nanlaki naman ang mga mata ni Fries. How did he knew about Jonas? Si Jonas lang naman kasi ang naglakas loob na manligaw dito kahit hindi pa nag transfer ng paaralan si Twister. Bantay sarado kasi ang dalaga, kulang nalang kadenahan siya nito.
BINABASA MO ANG
Clash of Hearts
RomanceA Game of Love and Friendship. Mahal Kita – Mahal mo siya – May mahal siyang iba – At ako ang mahal ng mahal niya. Hindi ko akalain—lalong hindi ko pinangarap na malagay sa ganyang sitwasyon. Saya, lungkot at sakit. Lahat ng iyan naramdaman ko sa i...