"Before I forgot, may announcement nga pala ako." narinig nilang sabi ni Mme. Labajo. "About your dormitories, here are the lists ng mga magkakasama sa iisang room."
Yes. Lahat ng estidyante ay dapat nakatira mismo sa loob ng academy. Aristotle Academy is one of a kind. Sa gara at kasosyalan dito, hindi mo maiisip na may mga mahihirap palang nag-aaral dito. Pinipili talagang mabuti ng Academy Administration ang mga maswerteng makakapasok dito. Kahit pa anak ka ng presidente o ng isang business tycoon, if you don't have 'it' in you, hindi ka makakapasok.
"Each and everyone of you, has your own class number. Para sa mga hindi nakaka-alam ng class number, ito ang bilang niyo sa klase alphabetically. For example, I'm Ana Labajo at babae ako, obviously, at pang 15 ako sa klase so my class number will be G15. " pag-eexplain ni Mme. Labajo. Kinuha ni Amy ang handbook na ibinigay sakanila a day before the classes starts at tiningnan niya ang lists ng mga estudyante doon to find her class number. And as expectedly, dahil A ang start ng surname niya, her class number is G1.
"And because the rooms are big enough for two people, the administration decided to have four students in each room. Two boys and two girls." nagulat naman si Amy sa sinabi ni Mme. Labajo. It means may makakasama siyang lalake sa iisang kwarto? Hindi niya maiwasang ngumiwi at isipin kung anong mga posibleng mangyari.
"I know, dapat same gender ang magkakasama per room but separated naman ang beds. Two double decker bed sa magkabilang side ng room at mayroon din two rest rooms for the boys and girls."
Maraming pumapasok sa isip ni Amy. Paano kung manyak ang makasama niya sa room? Or nerd naman? Nagdasal siya na sana isa kayna Emy at Umy ang makasama niya sa room.
Hindi naman masyadong nakikinig si Viel. Basta ang alam niya G15 siya at hindi pa naman natatawag ang pangalan niya. Wala namang problema kung sino ang makasama niya sa room. Basta wag lang magnanakaw at burara dahil hindi niya na talaga mapipigilan kung mabobore ang kamay niya at bigla bigla nalang manuntok.
"G1, G15, B1, B15... Room 143." sa wakas naman ay narinig niya ang CN niya. Aba't kung minamalas nga naman talaga Room 143 pa. Ang pagkaka-alam niya ay nasa fifth floor pa ito. Mukhang mahihirapan ata siyang makababa at maka-taas.
BINABASA MO ANG
Clash of Hearts
RomanceA Game of Love and Friendship. Mahal Kita – Mahal mo siya – May mahal siyang iba – At ako ang mahal ng mahal niya. Hindi ko akalain—lalong hindi ko pinangarap na malagay sa ganyang sitwasyon. Saya, lungkot at sakit. Lahat ng iyan naramdaman ko sa i...