Nakalipas na ang ilang buwan
Simula nung ako ay iyong iniwan
Sa "hindi na kita mahal" na dahilanNakalipas na ang ilang buwan
Nung ang sarili ko sayo ay pinagpilitan
At sa huling yakap ako ay pinagdamutanNakalipas na ang ilang buwan
Ikaw, ay hindi pa din makalimutan
Puso at isipan, ikaw pa rin ang lamanNakalipas na ang ilang buwan
Ang mga tanong hindi pa rin masagutan
Bakit mo nga ba ako iniwan?Nakalipas na ang ilang buwan
Ang masasayang alaala paulit ulit iniiyakan
Kelan ba maghihilom ang pusong sugatan?
BINABASA MO ANG
ANG MAHIKA NG LUHANG TINTA.
PoetryAt sa bawat pagpatak ng mga luha sa mukha, sya din ang patak ng tinta sa blankong papel.