Sa gitna ng kadiliman
Ako'y nakahiga sa isang duyan,
Nakatulala sa maliwanag na buwan
At ikaw, ay tumatakbo sa aking isipan,
Na-aalala ang ating nakaraan.
Mga alaala na puro kalungkutan,
Alaala na dapat matagal ko ng kinalimutan,
Alaala na lagi ko naman binabalik-balikan,
Dahil ang ating nakaraan
ay di ko kayang pakawalan.
Dahil kahit ako'y iyong niloko at sinaktan
Hindi pa rin ako natututo sa akin mga katangahan.
At hanggang ngayon, sa malayo, ikaw parin ay pinagmamasadan,
Umaasa na sana tayo ay magkabalikan.
BINABASA MO ANG
ANG MAHIKA NG LUHANG TINTA.
PoesíaAt sa bawat pagpatak ng mga luha sa mukha, sya din ang patak ng tinta sa blankong papel.