Chapter 1

15.3K 117 8
                                    

Livv POV

Ang daming mga tao, more specifically mga babae. Ang init pa naman. Aga namin dito sa labas, kasi naman eh tong kaibigan ko pinilit akong sumama dito. Chicser hunting daw kami, ewan ko ba bakit dito kami sa mall nag punta - dapat dun sa farm. Chicser nga eh. HAHAHA. 

"Kacie, wala naman sinasabi sila kuya na pupunta sila dito eh! Bakit ba kasi nandito tayo. Wala tayong makikitang Chicser!" reklamo ko. 

"Sila Ully lng! Outcast kase yang mga kuya mo eh!" sagot nya.

"Si Ranz?" tanong ko tapos biglang tingin sya sakin. Yung pang asar na tingin.

"Ou nga! Sila Ully nga!" babatukan ko kaya 'to puro Ully ang sinasabi. -___- 

"Si Ranz ba?" 

"Ou nga sila Ully nga diba!" 

"Gaga! sino sino? Sino ba yung sila?" 

"Si Ull-" hinde ko na sya pinatapos binatukan ko na. 

"Isa pang Ully! Mas malakas na susunod!" 

"Ou na kasama na si Ranz!" 

Naghintay kami hangang mabukas yung mall. Isang oras din kaming nag antay sa initan no, dapat worth it 'to. Nang maka pasok kami hinde mapakali si Kacie, dalawa lng kasi ang mata kaya paikot ikot ang gaga. "Hoy! Bili muna tayong ice cream!" sabi ko.

"Ehh! Ikaw nalang, baka mamaya dumaan na pala sila Ully pag ka talikod natin!" -__- hinde naman sya obsess no. 

"AY yun ata sila!" turo ko sa kabilang side - kung saan yung ice cream stand. Para namang aso biglang tingin naman sya. "Tara dun!" sabi ko sabay hila. "Ate mint chocolate po!" sabi ko sa ale na nasa ice cream stand. "Double scoop po ah" dagdag ko. 

"Ang daya naman nito! Palibhasa lagi mo silang nakikita!" sabi ni Kacie. Natawa lng ako kase totoo. Inabot sakin ni ale yung ice cream tapos nag bayad na din ako. Habang nag lalakad tahimik lng kami. Kase busy ako sa ice cream tapos busy naman si Kacie mag hanap. 

"Wala naman ata yung mga yun eh." sabi ko

"Hinde ah! Sabi dito sa twitter ni Ully oh! 'Stroll in the mall with @ranzkyle later'" depensa ni Kacie. 

"Gaga! Hinde naman sinabi anong mall eh!" sinabi kong napapatawa. 

"Gaga ka din! Dito nga. Basta alam ko dito sila pupunta!" 

"Bahala ka nga! Pag ako nagutom, libre mo ko" pagbanta ko sakanya. haha, sumama lng talaga ako kasi naiinip ako sa bahay tsaka alam mo na. Si Ranz. Yiieee. Biglang nag buzz yung phone ko, kaagad kong chineck. 

"From: Ranz

Dahan, dahan sa ice cream! tonsil mo!"

Bigla akong nawala ng hininga. Nakikita nya kami? Replyan ko nga to. 

"Che! San ba kayo? Kasama ko kaibigan ko kanina pa kayo hinahanap" reply ko. Sumunod naman ng text si Ully 

"Lagot ka sa mga kuya mo! Ice cream nanaman! tsssk!" text ni Ully. Mga chismoso, sabi ko sa sarili ko sabay iling. Maya nag replay na din si Ranz 

"Nasa likod nyo" simpleng reply nya. Tumalikod kami ni Kacie, sabay pa - kita ko silang dalawa agad. Naka sumbrero tsaka nakasalamin pa - nagtatago sa likod ng menu ng Greenwich. Hinila ko si Kacie patungo sa kanila. Pag dating namin dun umupo ako sa harap nila. 

"Ganyan ka na ba ka desperada?! Sige na lilibre na kita!" sabi ni Kacie, nahihiya. Umiling ako parang bata. "Uy, mahiya ka nga hinde mo naman kilala yung mga yan!" 

Pagtingin (Ranz Kyle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon