Dela Vega

5 0 0
                                    

Nakanguso sya ngayon at kinikiliti ang kasama. Ginulo naman ng lalaki ang buhok ni Ashley. Nag-usap pa sila saglit bago tuluyang naghiwalay. Lumapit sa sasakyan si Ashley at binuksan ang pinto nito. Nagulat sya ng makita ako sa loob.

"Fyr. Sasabay ka sa akin?"

Obvious ba? Muntik na akong mapairap sa tanong nya. Seryoso lang akong tumitig sa kanya. Ngumisi naman sya at sumakay na.

Ng umandar ang sasakyan ay nagsalita ulit sya.

"Mukhang galit ka kanina nung nakita mo ako." Panimula nya. Ako naman ay pinag-iisipan ang isasagot.

"Galit na ako bago mo pa ako makita." Lumapit sya sa akin lalo bago umimik.

"Yun nga, may nangyari ba?" Madami.

"Wala naman." Napabuntong-hininga naman sya sa sagot ko. Suko na sya ng lagay na yan.

"Bakit ka nga pala sumabay sa akin? Sira sasakyan mo?" Magkasunod na tanong nito. Hindi naman kasi talaga ako nasabay sa kanya.

"Magkakatabi sasakyan namin nina Zailee. Nandun na sila. Magyayaya na naman kung saan." Naiirita ako sa isiping makakasama ko na naman sila. Kagaya ng dati ay magpapakasira na naman sila.

"Your friends look cool. " Noon lang ako napatingin sa kanya. Cool? Aling part dun? Ganun ba iniisip nya.

"Wag mo silang hangaan." Wika ko dito. Hindi hinahangaan ang ganung klase ng tao. Tinitigan ko si Ashley habang sya ay nakatingin na sa unahan. Magkaedad lang kami kung tutuusin. Pero magkaibang magkaiba ang takbo ng buhay namin. Maswerte ka pa rin, Ash.

Nauna ako kay Ash sa pagbaba ng sasakyan. As usual napakabagal na naman niyang kumilos. Dumiretso ako sa hagdan para makaakyat na sa kwarto. At sa kamalas-malasan nga naman...

"Fyr..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mula sa kinatatayuan nya ay kitang-kita kung paano bumaba ang tingin nya sa akin. Minamaliit na naman nya ako. Literally and figuratively.

"How's Vipers?" Pinagmasdan ko siya. Mula sa night gown niyang nakakairita hanggang sa mukha nyang nakakairita din.

"Still the same." Dinig ko ang pagpasok ni Ashley. Nilingon ko ito at agad sinenyasang umalis. Hindi nya agad nakuha ang sinabi ko. Pakanta kanta pa sya papasok. Tangina. Slow.

Ng tingnan nya ang taas ng hagdan ay saka lang sya nagmamadaling lumabas. Umirap ako. Mabilis ang pag-akyat ko matapos masigurong nakaalis na si Ash. Halos sa kapitan na ako ng hagdan umakyat wag lang kami magdikit. Titig na titig pa rin sya sa akin. Halos mapamura ako ng hinawakan nya ako sa braso at hinarap sa kanya.

Iba na awra nya.

"How are you?" Bigla nyang tanong. Malambot ang mukha at napakalambing. Tinignan ko lang sya.

"Fyr... " Tawag nito ng hindi agad ako sumagot.Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghigpit ng hawak niya sa dalawang braso ko. Padiin ng padiin. Hindi ako umaray. Nakipagtitigan sa kanya na ngayon ay nagiging demonyo na ang itsura.

"Mamamatay ka din, Fyr." Wika nya at halos takasan ako ng dugo sa sinabi nyang iyon. Pinilit kong makawala dahil natagal ay hindi ko na nakakayanan ang sakit. Halos sumigaw na ako makawala lang. Bigla namang bumukas ang isang pinto at iniluwa noon si Papa.

"Feira!" Agad nyang sigaw at pwersahang inihiwalay ang babae sa akin. Sa pwersang iyon ay mahabang guhit ang nilikha ng kuko nya sa braso ko.

Dumudugo ang pinagdiinan nya ng kuko. Inilayo sa akin ang babae at ipinasok sa kwarto.

Napapikit ako at dali-daling pumasok sa sariling kwarto. Ni-lock ko yun at dumiretso sa banyo. Hinugasan ko ang brasong dumudugo pa rin at ramdam na ramdam ko ang kirot. Sunud-sunod nagpatakan ang mga luha ko.

Fyr's Secrets (Hush, Fyr) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon