The Party

8 0 0
                                    

"Megan." Hindi gaya nina Lana na nag-angat ng tingin ay nanatili akong nainom sa drink ko. Madaming tao sa canteen. Yung iba natambay lang pero mas maraming nakain talaga. Malapit na kasi ang lunch time.

"Where were you, Fyr?" Tanong ni Megan. Sa tabi ko sya umupo.

"Yesterday?" Tanong ko din.

"Obviously." She stated. She even rolled her eyes.

"Home." Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ng dalwang nasa harap. Ramdam ko ang dahan-dahang paglingon sa akin ni Megan.

"She's with her sister." My eyes grew wider at Zailee when she mentioned it.

"Oh." Tila nag-iisip naman si Megan. She smirked and licked her lower lip. Napapikit naman ako. Marahan kong sinipa sa ilalim ang paa ni Zailee pero pati si Lana ay napadamay.

"What the hell?" Inirapan ko lang si Lana na nagtataka.

"Pwedeng maki-share?" Sabay lumingon sina Lana at Zailee sa nagsalita. Animan ang lamesang inuupuan namin at dalwa sila ngayong handa ng umupo sa natitirang bakante.

"Sure." That was Lana.

Ngingiti ngiti namang umupo ang dalwa. Then they started eating. Not talking.

"Let's go. I lost my appetite." Megan stood up and looked suspiciously at Lana and to me.

Tumayo na din sina Zailee so I did the same. But then the expeced happened. Dumaan talaga si Lana sa harap nung katabi nya. Hirap na hirap tuloy yung babae na inatras ang upuan. Tinabig ni Lana ang tray nito at nabagsak yun sa baba. There were awe's and oh's.

"Oops. Sorry." Wika ni Lana at naglakad na palayo. Sumunod kina Megan. Well that was low. Too low.

Hindi magkaintindihan ngayon ang dalwa. I guess Megan expected me to do the same. Imbes na magpakahirap pa ay itinaob ko na lang ang tray nung isang babae bago tumalikod at sumunod sa kanila.

Seryoso lang sila as if we didn't do anything wrong. Maugong pa rin ang bulungan sa inalisan namin. Gaya ng madalas ay dumiretso lang kami sa mga bench sa likod ng building namin.

"Party at my house tonight." Zailee announced.

Another chance.

"It's school night." Megan stated.

"Yeah. It's my brother." An O was formed on their mouths.

"I guess your parents are out." Tango lang ang isinagot ni Zailee sa sinabing iyon ni Megan. Zailee's parents are high profiled lawyers. Her grandparents are on the line of politics. So all her dirty secrets must be kept on her little pocket till she dies.

But it won't happen.

"Bring your sister, Fyr." Nakangising wika ni Lana. Inirapan ko lang sya.

"You don't bring an Angel to a devil's lair." It was Zailee. Masama na ang timpla ko ngayon dahil sa direksyon ng pinag-uusapan namin.

"Which is which?" Lumingon ako sa katabi na ngayon ay may makahulugang ngiti na. What now, Megan?

Pagkadismiss na pagkadismiss ng klase ay tumayo na agad ako at naglakad ng mabilis papunta sa parking lot. I have to go to Zailee's house. Kailangan ko munang umuwi para makapagpalit. Sa isang araw pa ako makakalipat ng dorm. That's another part of the plan.

Matapos magbihis ay binuksan ko ang nakasusing drawer at kinuha doon ang camera. Chineck ko muna ang laman nito bago uli isara. Isinuot ko ito sa hoodie ko.

"Where are you going?" Bungad sa akin ni Ashley pagbukas ko ng pintuan ng kwarto paalis. Kadadating nya lang.

"Zailee's house." Sagot ko at lumabas na ng tuluyan. Nakasunod naman sya sa akin pababa.

Fyr's Secrets (Hush, Fyr) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon