「 SUNGJAE 」
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀wala pang 7:30 pero pumunta agad ako sa park para makipagkita kay yeri -- este kay joy. alam ko ang totoo, dahil kinakapatid ko si yeri at kailan man hindi siya gagawa ng ganitong bagay, isa pa ay hindi siya magaling magsinungaling sakin kaya naman ay napaamin ko agad siya.
pinagplanuhan namin ni yeri na sumang-ayon sya sa kagustuhan ni joy para magpanggap bilang sya. aaminin ko na hindi tama ang ginagawa naming dalawa pero siguro ito ng paraan para maging masaya si joy.
hindi alam ni joy na kinakapatid ko ang kaibigan niyang si yeri kaya naman noong makipagchat sakin ang fake account ay agad akong nagtataka dahil ginagamit nito ang mukha ni yeri bilang profile picture nito.
nakakatawa rin isipin na ang ex girlfriend ko pa mismo ang gagawa ng paraan para malaman kung ano ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko sakanya.
" hoy! " napalingon ako sa babaeng nasa likuran ko at-- pfft HAHAHA!
" bakit ka naka-uniform? Hahaha, " walang tigil na tawa ko habang siya ay nakakunot lang ang noo na tila ba walang alam sa kanyang ginawa.
napahawak ako sa aking ulo nang binatukan niya ako. " aray! bakit? "
" hindi mo ba alam na walang pasok ngayon? " pigil-tawang tanong ko sakanya dahil sa kanyang mukha na gulat na gulat.
" ngayon? walang pasok? wag mo nga akong niloloko! " hinampas-hampas pa ako nito na tila sya ay niloloko ko talaga.
" walang pasok, uwi na nga! mukha kang nagsuot lang ng uniform para mag-cutting class e! " muli akong hinampas nito ng paulit-ulit nang dahil sa aking sinabi.
" e anong sasabihin ko kay joy? " seryosong tanong nya.
nilagay ko ang aking daliri sa aking baba na tila nag-iisip ng maiisagot, " sabihin mo kasi ang gwapo ko masyado para sa isang tulad nya. "
binatukan na naman nya ako at nang akmang magrereklamo pa ako dahil sa lakas ng hampas niya ay nagsalita agad siya, " umayos ka naman kasi! "
" alam mo naman yung dahilan ng pakikipaghiwalay ko sa kanya diba? "
seryosong sagot ko rito." kung ganun, sasabihin ko na yun lahat sa kanya? e paano ka? "
" wala na namang kwenta pa kung magsisinungaling pa ako sa kanya at isa pa, wala na naman si Andrea sa buhay naming dalawa," mahinahon ngunit seryosong ani ko.
BINABASA MO ANG
PRETEND. sungjoy
Romance「 HAPPINESS SERIES #1﹕sungjoy 」 - in which she pretends to be someone just to know the truth. written in fil-eng. epistolary + narrative. 011419 ━ 030319 © HANTHUSIAST, 2019