020. narration

220 29 13
                                    

[ JOY ] ⠀

" ayoko nga pumasok! " pagrereklamo ko kay ate na pilit akong ginigising.

" papasok ka o isusumbong kita? " agad naman akong napabalikwas mula sa pagkakahiga.

dyan sya magaling, sa pagbabanta. akala mo kung sinong matino, tamad din naman!

agad akong naligo at kumain para hindi ko na makita pa ang mukha ni ate, naiirita lang ako. idagdag pa yung boses na akala mo palaging may kaaway, kung makasigaw daig pa si mama!

nang makapasok sa eskwelahan, hindi ko pinansin si yeri dahil madalas na rin naman ang pagdududa ko sa kanya.

tinatakasan niya daw 'yong mga kaklase niya kasi baka paglinisin sya ng banyo, e hindi naman pala sya naka-schedule kahapon. traydor!

lumipas ang school break pero wala akong pake kung lumuhod pa si yeri sa harapan ko, masyado syang sinungaling. grr.

" joy, pinabibigay sa iyo ni sungjae. "
tinanggap ko ang isang chocolate na iniabot sa akin ng kaklase ni sungjae.

sayang din 'tong pagkain, sayang din pera pang gastos.

may sticky note pa ito kaya binasa ko ang nakasulat rito, " be yourself. "

" psh. walang originality. chocolate na nga yung ibinigay, may sticky note din. gaya-gaya. " ani ko.

nanlaki ang mata ko nang may nagsalita sa likuran ko. " well, hindi naman ako magaling magisip ng idadagdag sa standards mo e. "

humarap ito sa akin at sinabing, " please stop pretending to be someone whose not. "
⠀⠀⠀⠀⠀⠀

  ֶָ END

PRETEND. sungjoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon