019. narration

192 26 4
                                    

[ JOY ]

⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
" natatae ako, joy. mauna ka na sa rooftop, susunod nalang ako," paalam ni yeri at kumaripas ito ng takbo papuntang cr.

napairap nalang ako sa hangin at dumaretso na sa rooftop, naupo muna ako sa semento dahil hindi naman ito ganoon karumi. maya-maya lang, habang tumingin ako sa relo ko ay may tumakip na kamay sa mga mata ko.

" yeri, ikaw ba yan? " tanong ko rito pero walang sumagot, kahit hininga nito ay hindi ko marinig. sinubukan kong tanggalin ang kamay ng taong nasa likod ko ngunit sadyang pinagt-tripan yata ako nito. inisip kong mabuti kung sino ang posibleng gumawa nito sa akin ngunit imposibleng si yeri ito dahil malambot ang kamay nito kaysa kay yeri na magaspang.

" sungjae? " hindi ko namalayan na nabanggit ko ang pangalan ng isang taong imposible namang gagawa sa akin nito --

" natatandaan mo pa pala ang kamay ko," lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses na yun. tinanggal nya ang mga kamay nya kaya agad akong tumayo at tiningnan sya ng mabuti dahil baka namimilik-mata lang ako.

aalis na sana ako para puntahan si yeri at iwasan si sungjae pero hinawakan ako nito sa braso, napapikit ako sa sobrang inis. hindi naman ako puwedeng umasa nalang sa mga sinabi niya sa akin kahapon, hindi ako pwedeng magpadala nalang sa salita.!

" joy, magusap naman tayo. "
hindi ako nagsalita pero tumigil ako sa harapan nya at tumigin sa baba dahil hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya ng deretso.

nakita ko ang kaniyang kamay na may inilahad na maliit na kahon, " inipon ko yung mga sticky notes na binibigay mo sa akin kasabay ng mga chocolates na binibigay mo. "

" b-bakit mo binabalik? " nauutal kong tanong sa kanya.

" hundi ko na kasi kailangan pa ng ganiyang klaseng bagay dahil ikaw ang mas kailangan ko," tumingin ako rito pero isang ngiti ang bumungad sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. hinawakan niya ang aking baba at iniharap niya ang mukha ko sa kaniya.

" pasensya na sa lahat ng nagawa ko sayo, sana mapatawad mo ako. para sayo rin naman lahat ng ginawa ko --"

agad kong pinutol ang sinasabi nya, " kung humihingi ka ng patawad pero may kasamang panunumbat, mas mabuti pang 'wag nalang kasi nagsasayang ka lang ng oras."

" joy, mahal pa rin kita," napahinga ako ng malalim sa sinabi nya.

ang salitang yun ay hindi naging madali para paniwalaan.
pasalamat ka sungjae, marupok ang isang kagaya ko!

" ang totoong rason ng pakikipaghiwalay ko sayo ay dahil kay andrea," napakunot ang noo ko sa sinabi nya

tama ba ang narinig ko? si andrea? si andrea na may gusto rin kay sungjae dati?!

" natatandaan mo yung panahong na-kidnapped ka? pakana ni andrea ang lahat ng yun dahil gusto nya akong masolo. nung wala kang malay, nag-send siya sa akin ng picture na may kasama kang lalaki sa tabi mo at parang may masamang balak sayo. blinock-mail ako ni andrea, pinapili niya ako sa dalawa. ang i-upload ang picture na yun at masira ang buong pagkatao mo o ang makipaghiwalay sa iyo kapalit ang pagd-delete ng litratong yun. syempre, pinili ko yung makipaghiwalay sayo hindi lang para sa kapakanan mo pero sa pamilya mo. hindi naging madali sa akin yun, ang iwasan ka at pakawalan ka sa mga panahong mas kailangan mo ako sa tabi mo. sana mapatawad mo ako, joy."

tumulo ang mga luha ko sa sinabi nya, sa kabila ng mga pangyayari na ito hindi ko alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin ko kaya mas minabuti ko na ang tumakbo pababa sa rooftop at sa pagkakataon na yun ay hinayaan na ako ni sungjae na makaalis sa lugar na yun.

mas ginusto ko ang tumakbo, ang lumayo, at umiwas sa katotohanan na narinig ko.

PRETEND. sungjoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon