Chapter 6 : Ex and Present Part 2

11 2 5
                                    

[Airish Madison Gabriel's ] POV

Katahimikan ang bumalot sa aming apat matapos kong sabihin ang mga salitang sinabi ko sa kanila.Halatang nagulat si kuya Yz dahil alam niyang nag sisinungaling lang ako at nuti naman nagets agad ni kuya ang mga kinikilos ko.

"Woah!!! I like your bitch side Madison "mahinang sabi ni Trish the clown sakin nasa C.R. kami ngayon at nag reretouch para maghandang umalis at umuwi na ng bahay.

"Hindi ko alam kung compliment bayan o kung ano , but thanks " sagot ko at plastic na ngumiti sa kanya.

"Okei , Madison mauna na muna ako sayo ah hintayin ka nalang namin sa labas "

"Hmm.." pag payag ko

5 minutes ang lumipas at tapos na akong mag retouch ng sarili ko at lumabas na ko ng comfort room

"Anong palabas yung kanina Rish ?" gulat akong napalingon na pinanggalingan ng boses , so ano na naman tho . Kaya mo yan Rish wag kang papatalo sa presensya niya , naka move-on kana ah kahit hindi pa talaga

"Well , hindi yun palabas fyi "

"Eh kundi palabas eh ano ?" seryoso niyang tanong

"Bakit curious ka?" nangaasar na tanong ko

"Tsk...nevermind"

"Okei , so pls puwede bang tumabi ka na dyan na dadaanan ko baka magselos pa ang new girlfriend mo" diniinan ko talaga yung word na new girlfriend . Nakakainis nakakabadtrip , parang walang nangyari o parang walang past sa aming dalawa.

Lalampasan ko na dapat siya pero bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko.

"Kung may balak kang guluhin kami ng girlfriend ko puwede bang huwag mo ng ituloy " seryoso niyang sambit at mas humigpit pa ang hawak niya sa braso ko.

"Bakit natatakot ka bang malaman niya na ex kita at ex mo ko ?"

"O baka naman natatakot kang maiwan niya at magmukang talunan?" pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga sinabi ko inalis ko agad ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Ano bang binabalak mong gawin? Ito ba ang ganti mo sa pag-iwan ko sayo ? Hindi pa ba sapat ang mga rason ko nung nakipagbreak ako sayo ?" seryoso at derederetso niyang tanong sakin.

"Kung iniisip mong gaganti ako sayo dahil dun sa ginawa mo ? , Hindi naman ako desperada na maghihiganti sa ex kong ginagago ako ."

"Rason ? , wow oo nga pala nag-bigay ka ng rason " sarcastic kong sabi

"Rason na hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan" dagdag ko pa.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo sana mapatawad mo ako , ginawa ko lang to dahil may dahilan ako ." sambit niya

"Sorry ? , mababalik ba niyan yung mga sleepless night ko ,mababalik ba niyan yung mga panahong mugtong mugto ang aking mga mata dahil kakaiyak sayo ? at mababalik ba niyan yung mga luhang nasayang dahil sa gagong katulad mo ? " nagsisimula ng nanumig ang aking mga mata. Bago pa mag-unahan ang aking mga luha sa pagbagsak ay mabilis kong nilisan ang lugar na yon at pumunta sa table namin.

"Oh , nandito na pala si Madison " sambit ni Trish

Agad namang tumingin sakin si kuya Yz

"Kuya can we go home na ?" hindi ko pinansin si Trish at agad akong pumunta kay kuya Yz para pilitin na siyang umuwi."

"Sige , ah thank you sa time and sa treat Trish " ni kuya kay Trish the clown.

"Your welcome Marcus parang wala naman tayong pinagsamahan sa pagiging pormal mo masyado "

"Kayo hindi pa ba kayo uuwi ?" tanong ni Kuya Yz

"Let's go bhe" seryosong anyaya ni Lexter kay Trish

Nakita kong nagtagis ang bagang ni kuya Yz dahil sa kabastusang ginawa ni Lexter na lalo niya pang kinainis kay Lexter dahil parang hindi niya kilala si kuya Yz kung makipagusap siya dito . Samantalang dati ay parang magkapatid na ang turingan nila pero ngayon mukha na silang mag karibal.

Hindi na ako nag-paalam at pumunta na agad ako sa parking lot. Ilang minuto lang ay dumating na si kuya Yz at agad niya namang pinaandar ang kotse .

Habang kami ay nasa daan pauwing bahay , katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa kami ay makarating na sa bahay.

Pagkarating sa bahay ay hindi na ako kumain ng dinner dahil busog pa ako at napagod ako ngayong araw na tho. Parang bumalik yung sakit sa puso ko dahil sa ginawa ni Lexter . Buti nalang kanina at nakayanan kong harapin siya.

Ganoon din ang ginawa ni kuya Yz hindi na rin siya kumain ng dinner at nagtungo agad sa kanyang silid.

Bago ako humiga sa kama ay nag-linis muna ako ng aking sarili at inayos ang aking mga pinamili kanina , bukas ko nalang babasahin ang mga librong aking pinamili . Dahil ngayon at matutulog ako ng mahimbang para maganda ang gising ko bukas.

Ngunit bago ako mahiga sa kama ay nag-ring ang aking cellphone . Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero unknown ang nakalagay.

Sinagot ko ang tawag at laking gulat ko na hindi pa din niya binura ang number ko sa contact niya.

"Sorry kanina , sorry sa lahat ng ginawa ko . Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko sayo . Lahat ng to ay may dahilan kung bakit ko to nagawa " tuloy-tuloy niyang sabi

"Huwag mo sanang sirain ang relasyon namin ni Trish "

"Hindi mababago ng sorry mo ang mga panggagago at panglolokong ginawa mo sakin "

"Wala naman akong balak sirain ang relasyon ninyo , pero kung may balak man ako . Sinasabi ko sayo na nag-sisimula pa lang ako. " sabi ko sa kabilang linya

"Pls. huwag mo ng ituloy , hindi ko kayang mawala si Trish sa buhay ko" nagmamakaawang sabi niya , wow drama ah puwede na siyang pang showbiz .

"Hindi naman ako ganon kasama para ituloy yun , pero wag ka namang kabahan . Nagpaplano palang ako kinakabahan ako eh pano pa kayo kapag tinuloy ko na" sarcastic kong sabi sa kanya.

At binaba ko na ang linya .

Ang kapal niyang tumuwag pa sakin matapos ng mga ginawa niya sakin . Tang*nang lalaki niyang wala pang 3 months may bago na . Hindi man lang sinunod yung 3 months rule.

Dahil sa inis ko kay Lexter ay unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mata at maya maya ay zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.(Knockdown na si miss bitter)

Choices In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon