ROSARIO

2 1 0
                                    

Dala mo sa iyong sinapupunan
ng siyam na buwan
Buhay mong nakalagay sa alinlangan
di alintana mailuwal mo lamang

Ang unang salita na nabigkas
ay iyong inabangan
Sa unang paghakbang
ako ay iyong inalalayan

Gatas na nagmula sayo
Nagbibigay sigla sa katawan ko
Sa magiliw na pagkalinga
Wagas na pag-ibig ang ipinadadama

Haplos mong nakagagamot
ng anumang sugat
Ngiti mong nakapagpapalimot
sa mga problema

Ikaw ang tala sa gabing madilim
Matatag na pader di kayang gibain
Kahit na ako ay suwail
Ginabayan at inaruga mo parin

Salamat Ina, Nanay, o Mommy
Kahit anong tawag
Pagiging Dakila mo ay
Walang katulad

Ps: tula ko para kay Nanay...

 Collection of wordsWhere stories live. Discover now