KAIBIGAN

1 1 0
                                    


Kaibigan ko, Mahal ko
Di ko pinilit kusang nadama
Pagtatangi para sa iyo

Sa simpleng akbay
Puso ay tumatalon sa kagalakan
Kuryenteng dumadaloy
Tungo sa aking kaibuturan

Hindi ko hiniling
Na mahalin mo
Kaibigan lang naman
Ako para sa iyo

Napakalapit mo ngunit ka'y hirap abutin
Para akong hangin
Lagi nasa iyong tabi
Ngunit di binibigyang pansin

Noong nalaman mo
Ang pagtatangi ko
Ako ay iniwan
At nilayuan

Gusto kong lumangoy
Sa dagat ng kalungkutan
Magpakalunod sa kabiguan
At lumubog sa pinakamalalim
na kadiliman

Di ko inaasahan ating pagwawakas
Mga masasayang alaala
Aking babaunin sa iyong paglisan
Paalam O aking kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Collection of wordsWhere stories live. Discover now