Chapter 2 ~WRISTBAND~

27 1 0
                                    

******

 Ella's P.O.V

 "Yohhhhhhhhhhoooooooooo!!!!!!!!! Sawa na ko sa magulong buhay!  I want to start a new life here! GOODBYE CEBU!  HELLO MANILA!!" sigaw ko na ubod ng lakas sabay taas ng dalawa ko pang kamay sa ere.  Hindi pa talaga nakuntento at tumalon-talon pa ko...Hanggang sa marealized ko na hindi lang pala ako ang tao dito.  Haler?  Effort kaya 'to?! As in  Effort!  Ang dami kayang pasahero na lumabas galing sa Erplane na sinakyan ko.  Karamihan sa kanila nakatingin sa akin, "heheheheh, na-carried away lang poh!!" (^_^)v   Gosh!!! nakakahiya talaga...Yumuko nalang ako at nagmamadaling lumakad hilahila ang maleta ko. 

"Okay lang 'yan Ella...wala namang nakakakilala sayo dito." bulong ko pa sa sarili ko.  Lakad ka lang...

.

.

lakad...

.

.

lakad. Hanggang sa...

"HOY ATE!!!" narinig kong sigaw ng isang bata.  Kung makasigaw lang parang wala ng bukas!

Deadma lang ako. Hindi naman yata ako ang tinatawag ehh. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad.

lakad lang...

.

.

lakad..

"Hoy ate!  Bingi ka ba?!!" narinig kong ulit nya.

Malay ko ba kung ako ang tinatawag?

Kung lumingon nalang kaya ako?

...para kasing ako.  Nagdalawang isip muna ako...binagalan ang paglalakad.  Liningon ko kung sino man ang tumatawag at kasabay 'nun eh sumigaw ulit siya...

"ATENG BALIW!!!" confirmed! she's staring at me.  She's calling me....Wait?! ano nga ulit tawag niya sa'kin?  Baliw?   Baliw daw oh?!

Tumakbo siya palapit sa akin.  Halatang hinihingal malayo kasi tinakbo niya..Sa tingin ko nasa five or six years old lang siya. Nakasmile lang ako sa kanya.  Ang cute-cute niya!!! ^0^ Nakakagigil!! ang sarap kurutin ng pisngi. 

"Ateng baliw!!!  Pahingi ng number mo!" aba at inulit nya pa talaga.  My smile faded, naging plastic nalang ito.  Malapit lang siya oh.  Ba't kelangan pang isigaw? Ang dami pa rin kayang tao.  Center of attraction na naman ako dito.

"Ahmmm....ahh,.. heheh bata, hindi ako baliw kaya 'wag mo na akong tawaging ganyan ha?"  malambing kong pagkakasabi sa kanya.

"BALIW KA!!!"  sigaw niya ulit.

Jusko po! 'pano ba 'to? ano ba problema ng batang 'to, baka may sayad? hindi, matino naman siyang tingnan.  Inuubos niya ang pasensya ko. Ang sarap tirisin ni bubwit! Naku!!! konti nalang, aawayin ko na talaga 'to.

"Ahhh..bata, please lang pakihinaan mo naman ang volume ng bunganga mo..nakaloudspeaker kasi." pakiusap ko kay bubwit with matching 'ngiting aso'

My "SA" is a "RETSGNAG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon